Chapter 16

16 4 1
                                    

Chapter 16: intense training 1

Gaya nga ng usapan ay dumating nga ang limamput' apat na royal disciples at hidni maisan ng mga ito ang magulat dahil sa limang indibidwal na nasa kanilang harapan kilalang kilala nila itong kahat dahil sila lang lahat ay mga discipels na nakasaksi sa ginawa nilang sakripisyo upang mabuhay silang lahat ng mga oras na iyon. "Hindi ito ang oras para magkaroon tayo ng reunion kahit na gustuhin namin. Sasanayin namin kayo sa paraan na ginagawa namin upang sa darating na competition ay wala na kayong dahilan upang matalo sa mga iyon." Seryoso na sabi ni Jay, napalunok ang mga ito dahil sa tono ng pananalita nito at hindi nila maiwasang hindi kabahan dahil alam nilang masyadong mahirap ang pagsasanay ng mga ito.

"Unang bahagi ng training ninyo ay ito." Agad na nanlaki ang mga mata nila ng may nakita silang mga sandbag na pamilyar sa lahat dahil ginagamit ito ng isamg sect na ang pinaka focus ay lakas ng pangangatawan. "Mukhang alam naman na ninyo ito kaya hindi ko na kailangan pang ipaliwanag. Sa iaang labanan kailangan may lakas ka ng pangangatawan at may mataas kang stamina dahil kung hindi ay mabilis kang matatalo sa laban. Kaya tuwing umaga ay tatakbuhin ninyo ng sampong beses ang buong hideout habang suot ang sandbag." Nanalaki ang kanilang mga mata dahil dito. Di nila alam kung mali bang pumayag sila sa nais na mangyari mg sect master. "Alam kong mahihirapan kayo sa una dahil ganyan din kame nung nakaraang linggo ngunit tingnan niyo kame ngayon unti unti ng nasasanay sa bigat." Digtong pa ni ann.

Pinakita niya pa dito ang suot na samd bag sa binti at braso.

"Umipsahan niyo ng suotin yang mga yan, pagtumakbo kayo ay dalawang linya lamang bawal na may sumobra at kung hindi kayo nakaayos ng pila ay hindi bibilangin ang tinakbo ninyong iyon." Seryosong sabi ni flane na agad ikinalunok ng mga ito at agad na sinuot ang mga sandabag sa braso at binti tulad ng ginawa ni ann. "Ang bigat ng bawat sandbag na iyan ay limang kilo at bawat dalawang linggo ay dadagdagan iyan ng dalawang kilo." Nanlaki ang mga mata ng mga ito ngunit agad ding sumeryoso at inumpisahan ng subukang maglakad.

"Kailan natin balak na pasukin ang parteng iyon?." Tanong ni Jay. Nakatingin ito sa hirap na hirap na mga royal discipes na nasa core foundation realm na. Nakalinya ng maayos ang mga ito ngunit pare parehas na hirap na humakbang kahit isa.

"Sa ngayon isang taon tayo magpapalakas, hindi lang ng kakayahan natin kundi pati na din ang pangangatawan natin. Kailangan na maging handa tayo dahil pagpumasok tayo sa loob noon ay hindi natin alam kung ano at gaano karami amg kalaban." Seryosong sabi ni carl. Napatango naman sila dito dahil tama naman ang sinasabi nito. "Umpisahan na din natin magsanay hindi naman maaaring sila lang hindi ba?." 

At gaya nga ng kanilang sinabi ay walang araw na hidni sila nag sasanay habang suot ang mga sandbag sa mga lumipas nadaw na iyon ay padagdag ng padagdag ang bigat ng mga ito. Sinasama na din sa kanilang pagsasanay ang pag-tuturo ni Carl ng tamang paggamit ng nine phantom blades sa mga ito na maging sila flane ay hindi pa gaanong perpekto.

Kabilang din sa sina-sanay ay ang pa-ggamit ng lubusan sa kanilang mga enerhiyang namana at kung ano ang techniqie na maaari nilang makuha depende o naaayon ito sa kung ano ang naiintindihan mo sa kakayahang meroon ka.

"Ang aking mga tatawagin nais kong lumakad kayo palapit sa akin." Agad na napakuno ang noo nila sa sinabi ni bea ngunit agad ding sumeryoso dahil alam nilang may nais itong sabihin sa kanilang mahalaga. "Czeshka, Mad, Ben, Liz, Luiz at Ben. Kayo na anim ang magiging pinuno ng bawat grupo at ang bawat grupo na iyan ay isa isang sasama sa main sa isang mission na maaaring maging kapalot ng bunay ninyo ngunit kung magawa niyonb makalogtas ay siguradong higit na mas lalakas kayo kumpara sa lakas ninyo ngayon." Ani ni Bea.

"Ano pong klaseng missiom ang ating gagawin?." Tanong ni Luz. Seryoso itong nagtanong at hindi maiwasan na mapatingin ng mga ito kay flane dahil parehas na parehas ang ugali ng dalawa.

Shadow Sect Where stories live. Discover now