Chapter 19: After 1 year
Sa nakalipas na taòn ay walang ibang ginawa ang mga elders kung hindi ang pumnta sa ibat ibang bayan maliit man o malaki upang bumili ng demon beast core at dungeon seeds. Maging ang ibang sect ay ganito na din mag ginagawa kaya hirap na hirap ang ang shadow sect na makabili pa dahil nauubusan ng stock ang iba dahil naibenta na sa una.
Nang makabalik ang lahat ay agad nilang inilagay ang mga ito sa storage room na ngayon ay nakapuno na sila ng tig aapat na room. "Kamusta ang tungkol sa pagpapalakas ng mga tauhan mo echo?." Tanong ni Uno. Agad naman na tumayo si Echo dahil sa sinabi nito.
"Kalahati sa aking tauhan ang naabot na ang Nascent Soul Realm at ang iba naman ay Spirit Transformation Realm gaya ko." Nanalaki naman ang mga mata ng lahat dahil sa sinabi nito dahil kung totooangsinabi nito ay isang ganap na ngang 7th rank sect ang lakas ng shadow sect. "Hindi lang naman ako ang lumakas maging kayo din lalo na ang mga royal elders." Isang hindi kapani paniwala na ang mga pmukha ng mga ito ay bumalik sa mukha ng mga ito dati na para bang hindi sila nalipasan ng panahon isa ito sa epekto ng pagtaas ng lakas.
"Kung ganoon oras na siguro para naman umpisahan na nilang tumulong sa gawain, marami ng dungeon ang muling nagbukasan sa buong bayan ng laveron. Kalahati ng makukuha sa dungeon ay mamapunta sa sect at ang kalahati ay sa laveron." Tumango naman si echo dahi lsa sinabi ni uno isa ito sa pinakahinihintay niya.
"Walang problema, sige tutungo na ako agad doon." Agad na tumango sa kaniya si uno. Matapos umalis nito ay muling nagsimula ang pagpupulong.
"Ilang taon pa ang kailangan bago tuluyang maumpisahan ang pagbubukas ng laveron?." Tanong niya agad naman na tumayo si Hanna dahil dito.
"Dalawang taon, sa dalawang taon na iyon ay maaabot na nila ang spirit transformation realm dahil mga adventurer naman na ang mga ito noon pa." Sabi ni hanna at naupong muli sa kaniyang upuan. Lahat naman sila ay ayos lang sa bagay na ito dahil sakto lang din noon ay ang competition. "Kamista ang mga royal disciples? Nagpakita na ba sila sa inyo? Isang taon na din ang lumipas simula ng huli kong makota ang mga iyon. Sa loob ng isang taong iyon ay ilang daang royal disciples na ang nadala natin sa kanila." Tanong niya.
"Dito ko din alam kung ano ang lagay ng mga ito dahil sa ginamit na skills ni jay. Lumakas na ang mga batang oyon dahil kaya ng panatilihin nito ang paggamit ng skills na isa sa mahirap gawin." Agad naman na tumango ang mga ito dahil sa kaniyang sinabi. "Gaya pa din ba ng dati ang paraan ng pagpili natin ng ilalaban sa competition?." Tumango naman ang lahat dahil sa sinabi niya. "Kung ganoon sa unag round lima agad ang kailangan natin sa sunod na round naman ay sampo habang ang sunod na round naman ay labing lima at kabilang pa amg reserved na sampo ayon sa panuntunan ng competition ang bilang ng kailangan nating ihanda ay apatnapu ang lima doon ay sila carl at ang tatlumput lima ay malalaman natin." Sabi niya na agad ikinatango ng mga ito. Boglang may pumasok sa isip ni uno at napalingon sa limang general ng celestial knights na mgayon ay nagtataka.
"Ano nga ulit ang bagay na pinapagawa sa inyo nila carl?." Agad naman na napalunok ang mga ito dahil kabilinbilinan ng mga ito na hiwag munang ipaalam kung ano ang ginagawa ng mga celestial guards ngayon. Isa itong mission na may bayad kaya wala silang magagawa rito.
"Sect Master hindi namin maaaring sabihin dahil labag ito sa alituntunin ng celestial guards. Bayad kame sa missions na ito kaya hindi namin maaring ilabas o sabihin ang bagay na aming ginagawa ngayon." Kamotulong sabi ni jeron na hindi maiwasan na makaramdam ng pagkailang dahil sa kakaibang tingin ng mga ito. "Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ito delikado." Ito na lamang ang sinabi niya upang hindi na magaalala pa ang mga ito.
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...