Chapter 22: Dungeon Hunter
Isa't kalahating taon na ang lumipas simula ng magumpisa ang royal disciples sa kanilang pagsasanay at sa loob ng mga araw na iyon ay wala silang ibang ginawa kung hindi ang sundin ang iniwang scroll nila jay na naglalaman ng mga bagay na dapat nilang gawin ito din nag dahilan kung bakit hindi sila makita ng mga panahong kailangan sila.
"Ngayon na ba ang labas natin? Ipaubay na natin sa kanila ang pagkuha sa mga beast core ng mga ito." Ani ni luz habang nakatingin sa kulay berdemg nilalang na mula sa dungein na kanilang pinasok na bigla na lamang sumulpot habang nagsasanay sila. "Ilang dungeon na ang ating natapos sa loob ng isa't kalahating taon at marami na din tayong nakuhang maaaring magamit mula sa mga ito." Dugtong niya.
"Hindi natin maaaring basta basta na ibigay sa sect ang mga ito dahil ang pwestong ito ay pagaari nila at alam niyo iyon."sabi ni luis na agad ikinatango ni ben. "Sa ngayon ipaubay na muna natin ito sa iba at bumalik na muna tayo sa base upang maiayos ang laman ng storage bag natin." Sabi niya pa. Napuno na kase amg mga storage bag nila mula sa mga nakuhang gantimpala sa mga natapos na dungeon. Inilalagay nila ito sa mga kwartong malalaki na meroon ang hideout at sa tagal nila itong ginagawa ay napuno nan ila ang tatlong kwarto at mag aapat na ilang taon mula ngayon.
Nang makarating sila ay hindi maiwasan ng lahat ang magulat dahil sa dami ng nakahanay na mga disciples higit sa isang libo ang mga kto at gulat din na nakatingim sa kanila, ilang araw na ang mga itong naghihintay sa pagbalik nila kaya hindi maiwasan ng mga ito ang magulat dahil sa wakas ay nakabalik na nag mga ito. "Anong nangyayari? Paano kayo nakapasok ganoong may guardian at protektor ang sect?." Tanong ni czeshka. May isamg babaeng nagtaas ng kamay. "Sige, maaari mo bang ipaalam sa amin."
"Wala pong problema, Senior Czeshka." Nakangiting sabi nito. Hindi naman maiwasan ni czeshka ang magulat dahil kilala siya ng babaemg ito ngunit hindi niya na lamang ito pinansin. "Sa totoo po niyan ay akala din namin ay haharangan kame ngunit ng tumapat kame sa earth warriors ay pinapasok kame ng mga ito na para bang alam nilang darating kame." Sagot nito. Napalingom sila sa mga ito at naalala nila ang huling bilin ni bea rito.
"Papasukin niyo ay ang mga royal disciples lamang na magsasanay sa hideout namin maliban sa kanila ay wala ng maaari pang pumasok."
Pinagmasdan nila ang mga ito at karamihan sa mga ito ay core formation 6th core formation na habang may iilan naman na nasa foundation realm pa lang. "Matanong ko lang paano niyo na abot ng ganoon kabilis ang mga antas ninyo dahil nung sa batch namin ay ilang taon pa ang lumipas bago kame naka abot sa antas namin ngayon. At ang bilang ninyo ay talaga nga namang doble doble." Ani ni Dave.
May isang lalake ang naglakad palapit sa kanila. "Isa po sa dahilan nito ay ang pagpasok namin sa dungeon na bigla na lamang nagsulputan sa buong mundo at sa sect ay higot sa dalawa o tatlong daang dungeon ang nabubuo kada buwan at dahil rito ay tuluyang lumalakas ang mga disciples ng sect. Hindi na kame magtataka kung ilang buwan mula ngayon ay may panibagong batch na muling darating." Nanlaki ang mga mata ng mga ito dahil sa kanilang narinig.
"Kung ganoon hindi lamang pala dito. Dahil maging dito ay higit sa dalawampu kada isang linggo ang dungeon na biglang sumusulpot. At dahil din dito ay mas naging pulido na ang aming paggamit sa nine phantom blade." Ani ni Mad. Napansin nga nila ang paglakas ng enerhiya ng mga ito. "Sa ngayon ay uumpisahan na natin ang unang sasanayin ninyo na lahat ng royal disciples ay pinagdaanan ang hirap na ito sa loob ng kalahating taon." Ani niya pa. Ilang sandali pa ay inilabas mila ang napakaraming sandbag na ginamit mg mga maunang disciples.
"Isusuot niyo ito at tatakbuhin ninyo ang buong hideout na ito ng sampong beses sa isang araw at matapos nito at ay magsasanay tayo ng nine phantom blades habang suot niyo ang mga sandbag." Nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabing ito ni czeshka. Iniwan nila ang mga ito at naupo sila sa nakapabilog ma upuan at sa harapanila ang lamesa na may laman na makakain. "Sa ngayon higit sa limang libo na nag royal disciples at kung totoo ang sinasabi nila ay aabot tayo ng sampo hanggang labing limang libo sa loob ng limang taon ngunit habang lumalakas tayo ay kumalaks din ang ibang sect at maging ang mga beasts." Di maiwasang sabi ni czeshka.
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...