Chapter 6: Renovation
Nagpatuloy pa nag kanilang usapan hangang sa mapadpad na ang nilalaman ng scroll tungkol sa lakas ng sect. "Alam nating lahat na ngayon ang shadow sect ay kabilang lamang sa 9th rank sect o kung mas ipapaliwanag isa sa mga pinakamahing sect sa lahat. May isang paraan upang paangatin ang rank ng sect at iyon ay ang una, kayamanan na hindi mahahawakan ng kahit sinong maliit na sect, ikalawa kailangan na mayroong 1 o hanggang dalawang Yuan Ying, sunod kailangan na magkaroon ng higit sa 6 na elders na hindi bababa sa formation realm. Disciples na higit sa 1000." Di maiwasan ng lahat ang mapalunok dahil sa kanilang naririnig.
"Yuan ying? Hindi ko alam kung magagawa natin maabot ito dahil alam naman natin kung gaano kahina ang enerhiya sa lugar na ito. Kung tutuuisin sa lahat ng sect tayo ang may pinakamalaks na enerhiya ngunit kung ikukumpara ito sa mga mataas na rank ay wala lamang ito." Ani ni Kai. Sa totoo lamang ay hindi nila alam kung paano ito gagawin sa mabilis na panahon.
"1,000 hindi malabomg magawa natin ito dahil higit sa 500 daaan na nag disciples ng sect bukod pa ang mga trabahador rito. At sa elders naman ay hindi na problema iyon dahil sa inyo pa lamang ay kumpleto na." Natatawang sabi ni Hera.
"Ipagpapatuloy ko na nag pagbabasa. Upang masigurong kahit na isa tayo sa pinakamahina ay nais naming ipabatid sa inyo ang amimg plano na isa sa pinakatinutukan namin ng oras." Hindi maiwasan ng lahat ang makaramdam ng pagka excite dahil sa nais mangyari ng mga ito na para bang sumisimbolo silamg utak ng sect. "Una dapat ang sect master ay maabot ang core formation habang ang mga elders naman ay maabot ang 6th foundation realm at kung sino man ang makaabot sa rank na ito ay kikilalanin ng Grand Elder ng sect nauna ka man o hindi."
"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi? Isa itong pangmamaliit sa mga naunang elders." Di maiwasang masabi ni Luna ngunit ngiti lamang ang ibinigay sa kanila ng dalawang captain.
"Lakas ang pinaka simbolo ng sect at walang halong galit at poot ang mararamdaman ng mga iyon at isa lamang ang alam ko ang nais na mangyari ng mga batang iyon ay magkaroon ng maliit na competition sa pagitan ng mga elders upang hindi sila huminto pa sa pagsasanay." Makabuluhang saad ni Jeron.
"Sa sect kailangan na may Grand Elders dahil kung wala ang sect master ang mga ito ang mamamahala sa lahat hanggang sa makabalik ito. Habang sa mga disciples naman kailangan nating mapaangat ang mga ranggo ng mga ito dahil hindi maaaring manatiling isa ang inner disciplesat meroon pang mga sunod na mataas na ranggo rito. Kaya namanupang malutasan ang tungkol sa bagay na ito ay may inihanda kamemg mga resources na mula sa maing sariling bulsa na maaari niyong gamitin sa mga disciples na may potential kayo na ang bahala na magisip nito."
Marami pa silang napagusapanat hidni nila maiwasang hindi sumakit ang ulo dahil sa dami ng nais na mangyari ng mga ito ngunit makabuluhan naman kaya hinati hati na nila ang mga gawain. "Kung ganoon babalik na kame sa aming mga trabaho at ng makapaghanda na kame." Tumango ang mga elders sa dalawang captain bago tuluyang lumabas isa isa.
Binigyan ng seryosong tingin ni Hera ang mga bagomg celestial knight sa nakaramdam na ng pagkabahala dahil sa paraan ng tingin na ibinibigay nito. "Alam naman ninyo na galing ako sa pagpupulong hindi ba?." Tumango naman ang mga ito sa kaniya bilang tugon. "Sa pagpupulong ay maraming mga plano ang nakatambak at iilan pa lamang ang magagawa natin sa ngayon at ang trabaho natin ay hindi ko na muna sasabihin dahil ang lakas niyo sa ngayon ay hindi pa kaya upang magawa iyon. Kaya sa loob mg kalahating taon nais kong maabot ninyo ang foundatiom realm at ng maumpisahan na natin ang trabaho ng mabilis."
Tumango ang mga ito at naghintay pa ng sasabihin niya mgunit ng mapansing wala na siyang sasabihin pa yaisa isa na nag mga itong naupo at nagsimulang magsanay. "Sana lamang ay magawa namin ang nais ninyo."
YOU ARE READING
Shadow Sect
FantasyIsang mundo na kabaliktaran sa aking inaasahan, mundong mumulat sa aking mga matang mapagmasid. Ano nga ba ang dahilan kung bakit umabot sa puntong sa muling pagmulat ng aking dalawang mata ay lahat nagbago na, mula sa enerhiyang meroon ang mundo...