Chapter 4
Missing
"Alas, ibaba mo ako! Ano ba! Ibaba mo ako sabi!"pilit kong pagpupumiglas sa pag buhat niya sa akin. Nag mumukha akong isang sakong bigas na buhat buhat niya pabalik sa mansion.
Alam kong may mga nakatingin ngunit wala na akong pakialam. Nawalan na ako ng hiya sa katawan.
At kahit naman ilang beses akong man laban ay masyadong malakas si Alas kumpara sa akin. He was locking me with his triceps.
"Boss—"
"You follow me upstairs. We have to talk." Mariing sambit ni Alas sa boses ni Zoran. Bakas sa boses nito ang galit.
"Ibaba mo ako! Put me down!"
"Not until you calm down." He said. Pinapadyak ko ang mga paa ko para lang makawala sa kaniya ngunit kahit anong gawin ko, ay ako lang din ang nasasaktan.
Itinapon niya ako sa kama pagkapasok. Mabuti nalang talaga at malambot iyon at hindi ako nasaktan.
"You stay here." Bakas ang pagkaotoridad sa boses nito.
"A-anong gagawin mo kila Zoran?! Sasaktan mo ba sila?! H-huwag mong sasaktan si Tanya! She did not help me!" I defended.
Nakakatakot kasi ang itsura ni Alas ngayon na tila isang suway pa ay makakatuklaw na. Para siyang walang sinasanto.
Nanginginig ang buong katawan ko nang lumapit siya sa gawi ko. I immediately avoided my gaze. He gently caressed my chin hanggang sa umabot ang kamay niya sa aking buhok at pasimpleng hinaplos iyon.
Napasinghap nalang ako nang bigla niyang amuyin ang buhok ko.
He always do that. He seems to be addicted by my hair and I don't know why.
"I have a business to do. Clean yourself well before I comeback...malalagot kana sa'kin." He whispered, making me goosebumps.
Tumayo na siyang muli at lumabas siya ng kwarto ngunit andoon parin ang kaba ko.
Anong gagawin niya sa akin mamaya? Sasaktan niya na ba ako? Anong klaseng sakit ang mararanasan ko?
Bababa na sana ako sa kama kaya lang narinig kong may nag salita. Hindi niya pala basta bastang naisara ang pinto.
"B-boss, hindi ko po sinasadya.."nagmamakaawang sabi ni Tanya.
"Change your clothes, Tanya. Ayoko nang maulit ulit ito. Makaka alis kana."
I was relieved that he did not hurt her. Perhaps, what did Tanya told me about Alas being a 'good' person was true? We don't know yet. Ang sabi niya pa naman paparusahan niya ako.
"Zoran,"mariing bigkas nito sa pangalan ni Zo.
Bumaba ako ng tuluyan sa kama para mas marinig pa ang kanilang pag uusap.
"Coleman," he added. "Hire more bodyguards to protect the mansion. Utusan niyo si Tanya na ilock ang secret door sa may garden so Maiah can't escape."
Bigla akong napakuyom ng kamao. Talagang ayaw niya akong maka alis sa impyernong ito. At hindi ko na alam ang gagawin dahil paniguradong hindi na magpapauto ulit sa akin si Zoran. Wala rin naman sa mukha ni Coleman ang maging isang uto-uto.
"Paano po pala ang pamilya niya boss? Last day pa siyang missing."
Napalingon ako sa gawing pintuan. Hinahanap na ako nina tatang. Paniguradong nagaalala na ang tatang ko sa akin pero paano ako tatakas? Hindi ko na alam!
YOU ARE READING
Mr. Zaccaro's Affection
ActionThe man who abducted me....has a delicate affection for me.