Chapter 5

215 104 49
                                    

Chapter 5

Pet

Nakatagal ako sa mansiong ito ng ilang araw. Actually, naging mabait naman si Alas sa akin kaya lang sa tuwing tinatanong ko kung pwede ba akong lumabas ay ayaw niya. Kailangan daw muna good girl ako.

Hindi ko narin siya tinatanong tungkol doon sa asawa niya. Sa tingin ko kasi ay wala siyang balak pag usapan iyon. Hinahayaan na ni Alas na pumasok sila Tanya at Zoran sa kwarto namin kapag wala siya dahil para raw hindi ako mabored.

Naging effective naman iyon dahil mas naging close kami ni Tanya at saka ni Zoran na palagi ko nalang inuuto kaya lang itong si Coleman? Napaka cold hearted ang peg.

Hindi naman siya ganito the first time we met.

"Ikaw ba ma'am may alaga kang hayop?"tanong ni Zoran.

We've been talking about alot of things and now, animals. Syempre ako, gustong gusto ko ring i share 'yung alaga kong hayop sa bahay.

"Ako? Oo! Naalala mo ba 'yon, Cole? Yung sinasabi ko sayong donkey!" tumingin ako kay Cole.

Hindi ko alam kung naaalaa niyang may sinabi akong donkey sa kaniya. 'Yon 'yung nagpupumiglas ako at sinabing may papakainin pa akong alaga. Ano ba naman 'to si Colem Mukhang hindi niya maalala. Mukha kasi siyang walang pake. Poker face ang atake.

"May alaga kayong donkey?!"hindi makapaniwalang tanong ni Zo at Tanya.

"Wala. Pero pangalan ng alaga kong daga, donkey hehehe." Totoo 'yon.

Ayon 'yung alaga ko na pinakafavorite ko. 'Yung mahilig sa cheese. Take note, imported na cheese pa ang binibili ko para sa kaniya.

Pinapagalitan ko pa nga 'yung pusa sa'min kapag sinusubukang kainin si Donkey like the cat could never!

Humalagapak sa tawa si Tanya at si Zoran na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit kayo tumatawa? Nakakatawa ba ang alaga ko?"tumaas ang isa kong kilay.

"Ahem..hindi po...n-natuwa lang," halata namang peke ang pag ubo ni Tanya.

"Ikaw, Zoran? Bakit mo tinatawanan? Wala kabang alaga?"nilingon ko si Zoran na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.

"Ah—eh h-hindi po ako tumatawa maam. May alaga po ako ma'am." Ewan ko ba kung bakit iba ang klase ng ngising kaniyang ipinakita.

"Ang cute naman pala ng alaga mong daga, ma'am Lucy. Pfft. Pinagisapan!" Hindi niya na napigilan at humalagapak na ng tawa si Zoran. Sinundan iyon ni Tanya ay napasapo sa noo si Coleman.

"Y-you...."unti unting namuo ang luha sa aking mga mata.

"Hala ka, Zo!"

"Anak ng tokwa, ma'am! Biro lang po!"

"Here we go again."

"Tinatawanan niyo ang alaga kong daga!"umiyak ako at tumakbo papuntang kama. "I-isusumbong ko kayo kay Alas...huhuhu..."nagtakip ako ng unan at nag kumot.

"Ikaw kasi! Bakit mo ba kasi tinatawanan?!"

"Hoy, anong ako?! Ginagaya lang kita, Tanya!"

"I'm saved. I did not react."

Mas lumakas pa ang hikbi ko. Naririnig kong nagtatalo na sila Tanya at Zoran pero umiyak lang ako nang umiyak. Mahal na mahal ko 'yung alaga kong si donkey tapos tatawanan lang nila?! Ang tagal kong inalagaan 'yon. Ni hindi ko pinapahuli sa tatang ko 'yon kasi ilalagay niya sa bubong para mainitan.

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now