Chapter 3
Lock
Napapabuntong hininga ako kapag tinitingnan ang labas mula sa bintana. Gusto ko na talagang lumabas ngunit hindi ko alam kung paano. Ang hirap takasan ng lalaking iyon.
Isang araw na ang lumipas subalit nakakulong parin ako sa impyernong kwarto na ito. Simula ng gabing iyon ay hindi niya na ako hinayaang lumabas. Kapag oras na ng pagkain ay dinadalhan ako ni Tanya minsan naman si Alas at kakausapin ako pero ayaw ko naman siya kausap.
Magkatabi rin kaming dalawa matulog pero gigising akong wala siya sa tabi ko. Katulad ngayon.
"Miss Lucy, pagkain niyo po." Pumasok si Tanya sa kwarto na may dalang tray ng pagkain.
Nagtaka ako ng may kasunod siya. 'Yung lalaking humatak rin sa akin na kasama ni Coleman. Iba ang ekspresyon niya ngayon. Pilyo siyang nakangiti habang nakasunod parin kay Tanya. Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Hi, ma'am Lucy! Pasensya na po at hindi ako formal na nagpakilala sa inyo last time!"kamot batok na sabi niya. Umirap lang si Tanya at nilapag ang pagkain sa mesa.
"Zoran nga po pala! Ang pinakamatalino at pinakagwapong body guard ni boss Alas! At your service!"sumaludo ito.
"Hindi ko tinatanong." Umirap naman ako. Hindi ko pa nakakalimutan ang pangangaladkad at pag kulong nila sa akin dito! Hmp!
Narinig kong humalakhak si Tanya sa gilid.
"Ako po pala ang magiging bodyguard niyo, ma'am kasi hindi kana masyadong mababantayan ni boss."
Bumalik ang tingin ko sa kaniya at nawala bigla ang inis na nararamdaman ko sa katawan.
"Bakit daw?"Tunog concern ako pero tumatalon na ang kaluluwa ko sa tuwa.
"Hindi po pwedeng sabihin e." Sagot nito pero ayos na sa akin 'yon.
"Ibig bang sabihin, wala siya lagi rito?"I tried not to look excited. Tumango naman siya. "Ganoon na nga po."
"Talaga? I mean nakakalungkot naman kung ganoon...buti nalang masasamahan niyo ako hehe."
Kinain ko na 'yung dala ni Tanya. Habang kumakain ako nasa harapan ko ang dalawa at kinakausap ako. Utos daw iyon ni Alas para hindi ako ma bored.
"Zoran, ang gwapo mo pala 'no? Ang tangkad pa," wala sa sarili kong sambit.
Nagpipigil namang tumawa si Tanya na biglang tumikhim.
"Ang linaw po ng mata niyo, maam Lucy!"sabi ni Zoran. Medyo uto uto naman pala itong si Zoran.
What if utuin ko nalang siya? Uutuin ko siya hanggang sa palabasin niya ako rito hehe.
"Kita mo na Tanya? Dapat gumaya ka d'yan kay ma'am Lucy. Hindi nagsisinungaling!"siniko niya pa si Tanya.
Inirapan lang siya ni Tanya at hindi sinagot.
"Tanya, tapos na ako kumain." Sabi ko. Kinuha ni Tanya ang plato ko at nagpaalam ng umalis pero nag request akong iwanan si Zoran sa kwarto. Medyo nag alala pa ang mukha nilang dalawa pero pumayag rin.
"M-ma'am bawal po kasi ako rito pag hindi kasama si Tanya," utal na sabi ni Zoran.
Tumayo ako sa kama at lumapit sa kaniya. Hindi ko planong harutin ang lalaking ito pero plano kong utuin siya. Malayo palang ako nararamdaman ko na ang kaba niya e wala naman akong ginagawa. Naglalakad lang.
YOU ARE READING
Mr. Zaccaro's Affection
AçãoThe man who abducted me....has a delicate affection for me.