Chapter 1
jaw drop
Lintek na mga lalaki 'to. Kanina pa talaga ako naririnde sa mga boses nila. Paano ba naman kasi ang ingay ingay. Kung anong pinagchichismisan. Nagising tuloy ako sa pag tulog ko.
I don't know what time is it already. No'ng magising ako kanina ay nasa loob na ako nitong kulungan. Tatlong pader na walang bintana at isang nakaharang na rehas kaya kitang kita ko 'yung mga pangit sa labas.
"Palabasin niyo nga ako rito!" I tried to move but I couldn't. Nakatali ang mga kamay ko sa likod at ganoon rin ang mga paa ko.
Ayaw ko rin kumilos nang kumilos dahil nararamdaman ko 'yung mens ko. Paano ba naman, hindi ako nakapagpalit ng napkin.
Edi sana pinagpalit man lang nila ako ng napkin bago ako kinidnap diba? Mga bwesit iniwan pa doon sa daan!
"Palabasin niyo na kasi ako..."They did not listen to me. Paminsan minsan sumusulyap 'yung lalaking mas bata sa kanila pero seryoso ang mukha niya. Infairness, lakas maka jaw-dropping ang mukha. Ang gwapo.
"Hoy, mga manong mukha lang akong mayaman pero wala akong pera!"
Nagtawanan lang sila. Napatingin ako sa bigla sa gwapong lalaki no'ng tumayo siya. Lmapit sa may rehas at may hawak hawak na baril. Napatikhim ako bigla.
"P-please, please, please...hindi ako magsusumbong, pakawalan niyo lang ako huhuhu" I pleaded.
"Kay gandang bae niyan, sir ah. Pagtripan na kaya natin wala pa naman si boss."
"Kahit mauna kana sir, kami sunod hehehe."
Mas lalo akong nangilabot at kinabahan. The guy he called 'sir' looked at me dangerously with a smirk on his face.
"Kuya, manong, may pamilya pa po akong naghihintay sa bahay! Huhu 'yung alaga kong si donkey hindi na 'yon kakain! Maarte pa naman sa ulam 'yon!"
"Open this," utos niya sa mga kasama niya na agad sinunod.
Napaatras ako sa kinauupuan ko. Jusko, anong gagawin nila sa akin?!
"K-kuya..alam kong gwapo ka pero hindi kita type...huhu iuwi mo na ako. Promise hindi ako magsusumbong. Iisipin ko panaginip lang 'to!"mangiyak ngiyak kong sabi.
Tuluyan ng nabuksan ang rehas. Nakangisi 'yung tatlong lalaki sa likuran niya na tila naghihintay ng pagkaing lalapain. Slowly, he walked towards me. Napaatras naman ako kaagad kahit nahihirapan.
"P-please...parang awa mo na po...."
Mas natakot ako no'ng lumuhod ang isa niyang tuhod sa harapan ko. Akala ko kung ano ang gagawin niya sa akin kaya napapikit ako kaya lang naramdaman ko nalang na tinatanggal niya na ang tali sa mga paa ko.
"Don't think of running away, they're gonna hurt you." Malalim na sambit niya.
Hindi naman ako tanga e. Alangan tumakbo ako e hindi ko nga alam kung nasaan kami. Ni hindi ko alam kung anong oras na. Pero natatakot ako kasi kakaiba ang ngisi ng mga kasama niya.
"A-anong gagawin niyo sakin?"utal utal kong tanong sa takot.
"Huwag kang matakot, hindi ko hahayaang saktan ka nila." Mahina lang ang pagkasabi niya noon na tila hindi narinig ng mga kasama niya.
He stood up after that. Akala ko pati kamay ko ay tatanggalan niya ng tali, hindi pala.
"H-hindi ko ba ako tatanggalan ng tali sa kamay?"suminghap singhap kong tanong.
"Boys, the boss is coming. Huwag niyong sasaktan o ni hawakan 'yang babae, maliwanag?" he did not answer my question. Lumabas lang siya no'ng tumango ang tatlo.
YOU ARE READING
Mr. Zaccaro's Affection
ActionThe man who abducted me....has a delicate affection for me.