Chapter 15

127 48 27
                                    

Chapter 15

jealousy

"Teka! Si Alas! Huwag nating iwanan si Alas!" pilit kong pakiusap kay Zoran na hinihila ako papaalis ng mansion. Hawak hawak ko si Kitty ngayon sa isa pang kamay.

Nauuna si Tanya, kasunod naman kami ni Zoran na may hawak na baril sa isang kamay at kamay ko naman sa isa. Hindi pa kami nakakalayo. Sa katunayan, nasa likurang bahagi kami ngayon ng mansion para tumakas.

Maririnig rin ang nagsisidatingang mga sasakyan.

"Makikita mo ulit siya, ma'am. Umalis lang po tayo ngayon." Pilit niya akong hinahatak.

Pilit ko ring tinatanggal ang kamay niya sa akin, nagsusumamong pakawalan ako ngunit wala talaga siyang balak.

"Shit. Huwag kang lilingon, madame!"biglang sambit ni Tanya na nakatingin sa aking likuran na ikinataka ko kaya imbes na sundin siya ay lumingon ako.

Suddenly, I felt my heart torn into pieces when I saw Alas hugging someone. Malayo layo sila sa amin, hindi rin nila kami nakikita ngunit ang liwanag ng buwan ay sa kanila mismo tumatama.

"Sabing huwag pong lilingon." Kamot batok na sabi ni Zoran. "Tara na nga, ma'am,"aniya at hinila pa ako. Nawalan na ako ng lakas para pigilan siya kaya nagpahila ako.

Hanggang sa makasakay kami sa kotse ay ang ala-ala ni Alas habang may kayakap na babae parin ang iniisip ko. Madali lang sana kalimutan kung yakapan lang 'yon e kaso...hinalikan niya ang babae.

I saw it with my two eyes. Kahit nakatalikod siya sa akin at nakaharap ang babae sa kaniya, alam kong hinalikan niya ito.

'Yon ba ang dahilan kung bakit pinapaalis niya kami? ako? para hindi ko makitang may kayakapan at kahalikan siyang babae?

Kunyare pa siyang sasabak sa gyera pero ang totoo, ibang gyera ang inasikaso niya.

"Madame, malayo pa po tayo sa condo. Matulog po muna kayo,"nagsalita si Tanya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa kotse.

Napapansin ko naman e, na nag uusap sila ni Zoran gamit ang mga mata nila. Kunware pa. Napairap nalang din ako.

Sa dami ng pumapasok sa isipan ko hindi ko na yata alam kung makakatulog pa ako. Ano na kayang nangyayari ngayon?

Ang sabi niya, kalaban ang mga Morfoá dahil muntikan na nila akong lasunin ngunit bakit kayakapan niya ang isang babaeng sa tingin ko ay kakampi ng mga Morfoá?

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Nakatulog na si Tanya at ganoon rin si Kitty sa paanan ko, ngunit ako ay gising parin.

"Don't worry, ma'am Lucy. Alam po ni boss ang ginagawa niya."Zoran looked at me in the mirror. Hindi nalang ako nag salita.

"Kung ano man po 'yung nakita niyo kanina, ay huwag niyo na pong isipin. May pinaplano po ang boss para matapos ang lahat ng 'to, madame." He added.

Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa may bintana ng kotse. Papaano kung ginagaslight lang pala ako nitong si Zoran para hindi ako mag overthink?

Ilang oras pa ay nakarating narin kami sa condo. Kinukusot ni Tanya ang mga mata niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng isang building. Hawak ko naman si Kitty at nakasunod kami kay Zoran na nauuna.

Dire-diretso lang kaming pumasok. May mga bumati pa sa amin nang makapasok. Ginamit naman namin ang elevator paakyat.

Pagtunog ng elevator ay lumabas na kami. Isang buong bahay agad ang nasa harapan ko pagkalabas palang ng elevator. Ang bongga.

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now