Chapter 6

208 95 20
                                    

Chapter 6

wife

I think I am doomed. Naguguilty ako ngayon. pero bakit naman kasi kailangan niyang magalit? Hindi ba pwedeng kausapin niya nalang ako nang maayos imbes na mag walk out siya?

Kanina pa ako pabalik balik dito sa kwarto. Tatlong oras na mula kanina at hindi parin bumabalik si Alas. Feeling ko nga ay nagalit siya sa sinabi ko. Kailangan ko ba siyang suyuin? Hindi ko naman siya boyfriend ah?

Napakamot ako sa aking ulo at malakas na nag buga ng hangin. Ano pa nga ba? Hay nako!

Naglakad na ako pababa. Nakita ko si Tanya na nagpupunas ng vase sa ibaba at agad na ngumiti no'ng mapansin ako.

"Miss Lucy!" bati niyang nakangiti.

"Si Alas? Feeling ko nagalit ko nga talaga siya."

"Woah. Mag sosorry na po ba kayo, miss Lucy?!" she sounded surprised and I just nodded.

"Pwede ko ba siya makita?"tanong ko kaya lang biglang nag bago ang itsura nito. Parang hindi siya mapalagay na hindi ko maintindihan.

"Tanya, nasaan si Alas?"My brows furrowed.

I saw how her throat moved as she looked away. Mukhang may mali. May tinatago kaya sila sa akin? Hmm..

"Dalhin mo ako kay Alas." Seryosong utos ko. "Eh hindi po pwede, madame e. M-may bisita si boss ngayon sa office niya." Kailangan ba maging utal utal siya d'yan kung may bisita? Ano bang klaseng bisita at nauutal utal siya d'yan?

Kung alam ko lang ang office niya rito ay ako mismo ang pupunta roon, kaya lang ay hindi. Masyadong malaki ang mansyon baka maligaw lang ako at pumasok na naman sa kung saan-saang kwarto.

"Then dito nalang ako sa sala. I'll be waiting."Maglalakad na sana ako papuntang sofa nang pigilan niya ako bigla. "S-sa kwarto po muna kayo, miss Lucy. Bibisitahin po kayo ni boss doon mamaya." Umiwas siya ng tingin sa akin.

Pero bakit parang iba ang pakiramdam ko? Pakiramdam ko kasi may mali. Na parang may tinatago. Sakto namang dumating si Cole at Zoran na seryosong naguusap. Hindi pa nila kami napapansin.

"Cole, piste. Anong gagawin natin sa babaeng 'yon?! Feeling ko lalandiin na naman no'n si boss!"

Babae? Landi?

"Do you think boss will allow that?" si Coleman.

"Eh kasi naman! Dalawa lang sila sa office! Inaakit pa nung babae!"

"Miss Lucy tara na po." Mahinang sambit ni Tanya ngunit hindi ko pinakinggan kaya lang narinig nila iyon at kapwang napatingin sa aming gawi.

"Sinong babae ang nasa office ni Alas ngayon at nilalandi si Alas?" my curiosity evoked. Binawi ko rin ang kamay kong hawak ni Tanya ngunit namutla lamang sila Zoran at si Coleman nang lumapit ako.

"M-ma'am! Nand'yan ka pala?"kamot bating sabi ni Zo.

"Zoran, sinong babae?" I ignored what he said and asked him. But I made sure that I don't sound mad. Baka kasi iba ang kanilang isipin pero kahit yata ay mag iba ako ng boses sa pagtatanong ay mamumutla parin sila. Tulad ngayon.

"W-wala 'yon, ma'am! Mas mabuti sigurong bumalik muna kayo sa itaas."

Naiintindihan ko sila. Siguro ay ayaw lang nila na magkita kami noong babae dahil baka magkagulo. Syempre, sino ba namang babae ang gugustuhing makita ang isa pang babae rito sa mansion lalo na kung asawa niya pa pala iyon. Gusto ko ring iwasang magyari iyon dahil una sa lahat, hindi naman ako kabit. Ayokong maging kabit. But with Alas' moves, I felt like I am becoming one.

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now