Chapter 7

194 92 20
                                    

Chapter 7

party

I have never imagined that I would stay here longer than I expected. Masyadong nawala na sa isipan ko ang pagtakas dahil kahit naman gawin ko iyon ay paulit ulit akong huhulihin ni Alas at paulit ulit niyang sasabihing sasaktan niya ako.

Last time was unimaginable. I never thought that I would give myself that easily. Akala ko ba hard to get tayo dito, Lucy? Napabuntong hininga ako sa isiping iyon.

Mabuti nalang talaga at hindi naituloy ang balak niyang gawin sa akin nang gabing iyon.

He stopped himself and suddenly went away after kissing my shoulders. Hindi ko tuloy alam kung mabaho na ang leeg ko kaya hindi niya itinuloy. 

I never know the reasons, but every night he goes to bed and sleeps with me. I could feel how he would stop himself from doing that again.
 

And now, days have passed already. Nakilala ko narin ang aso na regalo sa akin ni Alas. I named him kitty. It's just a cute little puppy and it was a boy.

Ayaw ata ni Alas paramihin 'to. As if namang may aano rito. Ang cute cute kaya ni kitty kahit lalaking aso siya hehe.

"Kitty, jump!" tinuturuan ko siya ngayon ng mga damoves bilang isang kaniyang master. "Ang tigas ng buntot mo, Kitty ha. Sabi ko jump!" tumalon ako pagkasabi ko no'n pero nakadila lang siya at iwinawagwag ang kaniyang buntot habang pinapanood ako.

"Ang cute mo sana, hindi ka lang maka gets. Ano ba 'yan!"nagreklamo na ako at umupo sa sahig, dito sa sala.

Some maids are looking at me as if they're saying some stupid things in their heads. Napabuntong hininga tuloy ulit ako at tiningnan ang alaga kong aso.

Kitty reminds me of my donkey. They're both cute. Kamusta na kaya ang donkey ko ngayon? Sana hindi pa siya nahuhuli tatang. Sa'kin lang naman nagpapakita 'yon e. Kung may daga lang din dito gagawin ko na ring alaga.

"Ma'am Lucy, huwag niyo po munang pilitin si Kitty. Baka pagod po." Sabi ni Zoran na nakatayo sa gilid ko. He's my bodyguard so obviously, kahit saan ako, nandoon siya. Kapag nasa kwarto, nasa labas siya nakatayo.

"Bakit nga pala Kitty name niyan, ma'am? No offense ah, parang—"

"Parang ano?!"pinandilatan ko siya nang mga mata. Zoran faked a cough before shaking his head. "W-wala po. Sabi ko cute hehe."

Mabuti kong ganoon. Akala ko mag rereklamo siya. Pasalamat nga siya at hindi sila ginawang abo ni Alas last time. Nakakaawa naman 'tong si Zoran, halatang wala pang naging girlfriend tapos maaabo agad.


"Sinong mas mabait, ma'am? Si Donkey or so Kitty?"tanong na naman niya.

"Syempre both." Diretsong sagot ko.

I would never compare them to each other because they both gives me comfort. Kapag wala akong kausap, ang alaga ko ang nakakausap ko. Kahit hindi nila ako maintindihan ay ayos lang sa akin.

"Tagal niyo na sigurong alaga si Donkey, ma'am 'no?"

Ewan ko ba rito kay Zoran at pinapaalala pa sa akin 'yong alagang daga kong nasa bahay.

"Oo, miss ko na nga e. Zo, baka pwede mag request?"ngumiti ako. "Ano 'yon, ma'am?"

"Baka may daga rito, ihanap mo ako, gagawin kong alaga."

Biglang napatikhim si Zoran at umiwas ng tingin sa akin. Parang nagpipigil siya ng tawa o ako lang talaga ang nakarealize noon?

"S-sige po. Tatry ko."He replied, biting his lower lip.

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now