Chapter 9

198 85 10
                                    

Chapter 9

Germany

"Ilang araw tayo roon? Hindi na ba mag babago ang isip mo? Baka magbabago pa 'yan, Alas,"pakikipag usap ko habang sinusundan siya papasok sa kaniyang walk in closet.

Kahapon lang ay tinatanong niya ako kung gusto kong pumuna sa Germany ngunit naiisip ko si tatang, ang pamilya ko, si donkey. Paniguradong mas malulungkot sila pati ako dahil lilisanin ko ang bansang ito.

"I don't change my decisions, Mai." He said.

"Teka, akala ko ba tinatanong mo ako kahapon kung gusto ko? Eh nung tumanggi ako ayaw mo naman?"nangunot ang noo ko sa kaniya. "What if hindi ko na makita si donkey at ibilad 'yon ni tatang sa bubong? Teka naiiyak ako huhuhu" nakakaiyak naman ang isipin na iyon na baka gawin nga ni tatang.

Bumuntong hininga si Alas at nilapitan ako kaagad. He held my cheeks as he looked at me deeply. "This is for your own good, little baby."

"Own good? Alas naman e! Pumayag na nga ako sa part ng hindi ako tumakas tapos dadalhin mo ako sa Germany? Ni hindi ko kabisado ang bansang iyon! I've never been there!"reklamo ko, naluluha parin.

"You won't remember anything here,"he said in a hushed tone, making me curious.

"Alas, ano? Hindi ko masyadong narinig."

Ngumisi lang siya ulit na parang walang nangyari. "Ang sabi ko, maligo kana o paliliguan kita."

Jusko! Napakamot nalang ako sa aking ulo at padabog na nag walk out roon. Kainis siya! Ano bang gusto niya?! Baka gusto niyang baby-hin ko siya para pumayag siya na mag stay nalang dito? Ang hirap kayang tumakas kapag nasa ibang bansa!

"Ni wala akong passport tsk." I said to myself absentmindedly. Nakakunot parin ang noo ko habang naliligo. Ayaw kong pumayag sa gagawin niya.

What if akitin ko siya tapos magpaawa effect? Hmmm...

Mabilis akong naligo at nag bihis ng roba lamang saka lumabas. Naabutan ko siyang may kausap sa kaniyang phone habang nakaharap ang tingin sa bitana.

"Nein, sie weiß gar nichts." Alas said, making me confused. Anong salita iyon? Hindi ko maintindihan. Nanatili lamang akong nakasandal sa pintuan ng banyo. Pakikinggan ko muna siya kahit hindi ko maintindihan.

"Ich werde diese Bastarde töten, die den Unfall verursacht haben," I could feel the seriousness in his voice. Parang nakakatakot. Ano kaya ang sinasabi niya at sino kaya ang kausap niya?

"Meine Frau hat mich vergessen..." bakit parang nalungkot siya?

Jusko pag nag Germany kami at hindi ko siya napigilan, sana may subtitles rin katulad sa mga kdramang pinapanood ko sa bahay. Baka mastress ako nang bonggang bongga at mag mukhang tanga roon!

Bago pa siya makalingon ay mabilis akong humumpa sa kama at nag pakita ng kaunting legs na tila ba nang aakit. Kumunot kaagad ang noo niya nang makalingon.

"Little baby? Kanina kapa d'yan?"he
ask, confused.

Peke akong umubo at nilaro laro ang aking kakaunting hibla ng akin buhok habang nakatingin sa kaniya, nang aakit.

"Baby, can we not go there po?" I pouted.

"Fuck." Mahina siyang napamura at umiwas ng tingin.

Mas inangat ko pa ang roba ko para makita ang aking legs kaya lang mas dumilim ang ekspresyon sa kaniyang mga mata.

"Damn it, Mai. Cover those fucking legs of yours." Tumalikod siya sa akin.

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now