Gaya po ng ipinangako ko, here's the new chapter! Enjoy reading mga beebs >^<
Chapter 14
poison
Kasalukuyan akong nasa may greenhouse dito sa may garden, sumisimsim ng kape habang tinitingnan ang magkapatid na Zacarro na nasa mga ilang metro lamang ang layo sa akin.
They were casually talking to each other as if hindi sila muntik mag patayan kagabi.
Kinausap ko kasi si Alas kagabi na makipag usap nang maayos at humingi ng sorry sa kapatid niya kapalit ng maintenance niya.
Ang ending? Muntikan na namang hindi makalakad!
Buti nalang medyo napigilan ehe. Harot.
"Fresh ang aura, madame ah? May nangyari 'no?"nakangising tanong ni Tanya, habang hawak si Kitty, bakas ang kapilyuhan.
I'm currently with Tanya today because Cole and Zoran are nowhere to be found. Ang alam ko'y may inutos Alas sa dalawa kaya nawala parehas. Si Tanya tuloy naging bodyguard ko.
"Alam mo Tanya, iisipin ko na talaga na nababasa mo yung iniisip ko. Mind reader ka 'no?"napataas ang isa kong kilay.
Mamaya pa ay nangilabot ang buong kaluluwa ko nang ngumisi siya sa akin nang nakakatakot habang papalapit.
Jusko, nasapian ba si Tanya?!
Bigla akong napalunok sa takot at napa baba ang hawak kong kape sa coffee table.
"What if....?"she smiled in horror. A moment of silence happened before her laughed echoed around the area.
"Kaloka ka, miss Lucy!"humalagapak siya ng tawa.
"Ano ba, Tanya! aatakihin ako sa'yo sa puso!"sabi ko nang hawak ang aking dibdib. "Mabuti pa'y iwanan mo si Kitty rito at ikuha mo ako ng meryenda sa kusina!"
"Adios miss ma'am." Binaba niya na si Kitty sa paanan ko saka nagpaalam na umalis.
Napansin ko ring nawala na si Alas at ang kapatid niya roon sa pwesto nila kanina. Jusko, sana lang ay hindi sila nag susuntukang muli dahil baka ma hanger ko na hindi lang si Alas kundi pati 'yung kuya niya sa sobrang isip bata. Tsk.
Kay tanda tanda na uso parin suntukan. Parang hindi na tuli e.
Hinarap ko si Kitty sa akin. "Palibhasa kasi tumatanda na sila parehas kaya gusto mag suntukan para feeling bata." I talked to my dog
He just licked me before I tapped his fur happily.
Binalik ko siya sa paanan ko at napagdesisyunan na lamang simsiming muli ang aking kape.
"Lucianne—"
"Ay puta!" pag putol ko, muntik na atakihin sa puso.
Sa gulat ko ay mas nagulat pa yata ang itsura ng taong kaharap ko dahil mukha siyang naka kita ng multo.
"You...curse...?"hindi niya siguradong tanong.
"Jusko naman, Raquin! Bigla bigla ka nalang sumusulpot. Aatakihin ako sa'yo sa puso e!"reklamo ko.
No'ng una ay nakatulala lang siya ngunit nang nagtagal ay mahina rin siyang natawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
Nangunot tuloy ang noo ko.
"Anong nakakatawa?"mabuti na ngalang at nakakaintindi si Raquin ng tagalog.
"Nothing... it's just that... it's new... you've changed...alot," then he smiled.
"Common sense nalang siguro 'yon 'no? kasi natural, wala akong maalala."Hindi ko maiwasang mapairap.
Asan na ba kasi si Tanya? Ang tagal niya namang gumawa ng meryenda. Nawala rin si Alas baka mamaya sakmalin niya na naman 'tong kapatid niya. Ako na naman kawawa sa gabi kasi kailangan niya ng maintenance.
YOU ARE READING
Mr. Zaccaro's Affection
AcciónThe man who abducted me....has a delicate affection for me.