Prologue

384 117 98
                                    

Prologue

"Bwesit, sinong kumuha ng isang napkin ko rito?!" umalingaw-ngaw ang boses ko sa buong bahay.

"Sino namang kukuha ng napkin mo, nak e nag iisang babae ka lang dito?"

Medyo natauhan ako sa sinabi ni tatang. Oo nga 'no? Pero imposible namang walang kumuha no'n e isang pack ng napkin 'yon.

"Tang, baka naman kinuha ng anak mong bading?" taas kilay kong tanong.

Kanina ko pa nahalatang wala sa bahay ang kapatid ko. Si Lucio. Lucio sa umaga, Lucia sa gabi.

"Luciano Vergara Jr!" sigaw ni tatang sa bunsong anak niya.

We heard a footsteps, walking towards our direction. Nangunot ang noo ko nang makita ang itsura ng kapatid kong bakla. Bigla namang napahilot sa sentido si tatang.

"Bakit tatang ko?"nag pa blink blink pa siya ng ilang beses, maipakita lang sa amin ang not-so-long-but-long eye lashes niya.

"Jusmeyo, marimar!"stress na sabi ni tatang.

"Ilabas mo ang napkin ko, Lucio!"

"Anong napkin? Wala akong napkin dito ha! Makapang bintang ka naman!"he rolled his eyes at me. "At saka isa pa, gabi ngayon! Sayang pa eyelashes ko kung tatawagin mo akong Lucio! Lucia! Lucianna Vergara!"

Jusko. Hindi ko na alam ang gagawin sa kapatid ko. We are ten years apart but we still feel like teenagers when we're arguing.

"Bumili ka nalang, nak." Sabi pa ni tatang.

Sinamaan ko ng tingin si Lucia bago bumalik sa kwarto. Bwesit. Kung nandito lang si kuya Lacio, 'yung kuya namin kanina pa 'to na sikmuraan si Lucia.

Kumuha ako ng pera para bumili ng napkin. Kung sa minamalas ka nga naman kasi. Isang pack 'yung binili ko last time, biglang naglaho ng parang bula. Next time lalagyan ko na talaga ng kandado 'tong kwarto ko.

"Lucy, gabi na. Mag iingat sa daan." Paalala pa ni tatang. Tumango naman ako at nagpa alam na.

Nasa kabilang kanto pa 'yung favorite kong tindahan pero malapit lang naman. Mga sampong minutong lakad lang. Bakit ko favorite? 'Yon lang naman kasi ang tindahang nagpapautang sa akin!

Nanlamig ang katawan ko sa halimuyak ng hangin. Patay-sindi ang ilaw ng poste. May asong nag sisi tahol na nasa loob ng bahay. Hindi naman ako usually natatakot kapag ganito.

Medyo binilisan ko ang lakad ko dahil kakaiba ang pakiramdam ko. Hindi ko mawari. Nakaginhawa lang ako nang maluwag nang makitang open pa sila Aling Nora.

"Hi, aling Nora! Naku, mas maganda pa kayo sa gabi!"

"Nambola kana naman, Lucy. Anong uutangin mo?"

"Ouch. Pag ako utang agad?"napahawak ako sa dibdib ko umaarteng nasasaktan. "Anyways, pabili nga po ng napkin. 'Yung favorite ko hehe. Babayaran na kita ah hindi na 'yan utang!"

"Bakit hindi ka nagpasama kay Lucio? Kay gandang bae pa naman. Gabi na Lucy, masyadong delikado sa daan." Medyo worried na sabi niya.

"Nako, wala po akong maaasahan sa kapatid ko. Ito po ang bayad," inabot ko na 'yung bayad at kinuha ang isang pack ng napkin. Medyo mura sa tindahan niya kesa doon sa malapit sa amin kaya mas gusto ko rin dito bumili.

Walang angal ang tindera, mura ang bilihin, at nagpapautang. Well, okay lang naman umutang kung marunong kang mag bayad.

"Una na ako, Aling Nora!"

"Ingat sa daan, Lucy," paalala ulit nito.

Naglakad na ako pauwi. Kung kanina medyo okay okay pa sa akin ang surroundings ngayon ay medyo kinakabahan na ako. Pakiramdam ko kasi may nakasunod sa akin. Ayaw ko ring lumingon dahil natatakot ako.

Omg. Totoo kaya 'yung kwento ni tatang last time na may aswang dito? Omg. Omg. Omg.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko sa sobrang takot. Napadasal na ako habang naglalakad sa sobrang kaba nang bigla akong hinila ng kung sino.

"Ah—"

Bago pa man ako makasigaw ay tinakpan nito ang bibig ko.

"Ipasok niyo na 'yan!" malalim na sabi ng lalaki.

Naramdaman ko nalang na hinila ako papasok sa isang sasakyan. Nabitawan ko pa 'yung napkin ko.

"Ang baho ng kamay mo! Yung napkin ko!"mangiyak ngiyak kong sabi nang tanggalin ng lalaki ang kamay sa bibig ko. Umandar na ang sasakyan.

Wala akong nakitang mukha ni isa sa kanila. Lahat sila ay naka itim at naka takip. Hawak nila ang dalawang kamay ko kaya hindi ako makagalaw masyado.

"Bwesit kayo, 'yung napkin ko balikan niyo!"

"Tumahimik ka nga!"saway ng isa sa'kin.

"Ikaw ang tuma—"

Hindi ko na natapos nang takpan ulit ng isa pa ang bibig ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo at bago ako tuluyang mawalan ng malay may narinig akong nag salita.

"Boss, we found her."

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now