Chapter 22

32 10 0
                                    

Chapter 22

headache

"Tanya, ayaw ko na please! Hindi ko talaga kayang tandaan 'yang mga german words na 'yan!" nakabusangot kong reklamo kay Tanya.

My husband told her to teach me some german words but unfortunately, I couldn't remember it.

Ang hirap ba naman kasi i pronounce tapos hindi ko rin maintindihan sa sobrang hirap.

"Eh, madame, kailangan nga po!"kamot batok na sabi niya.

Isang linggo na halos ang nakakaraan nang makabalik ako sa puder ng aking asawa. Isang linggo na rin akong walang balita kay George, sa Russ mansion, maski sa kapatid ko ngunit tiwala naman akong safe siya kung nasaan man siya ngayon.

"Ay basta ayaw ko na! Sumasakit ang ulo ko!"I complained.

"Wala pa nga po tayo sa kalahati, miss Lucy!"

"Babalik naman 'yang ala-ala ko e! Saka nalang pag bumalik! Baka nga mas may accent pa ako kaysa sa inyo!" umirap ako.

I have heard Tanya and Zoran speaks German sometimes but I haven't heard Cole yet. Palaging English o hindi kaya'y tagalog ang sinasabi niya.

Napabuntong hininga na lamang si Tanya. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para kunin si Kitty na nasa aking paanan. I missed my dog so much. Ilang araw rin kaming hindi nag kita nitong si Kitty at napapansin ko ngang namayat.

"Tanya, kumakain ba sa tamang oras 'tong si Kitty? Bakit ang payat payat?"tanong ko sabay lingon kay Tanya.

"Aba, miss Lucy, hindi ko po kinakalimutang pakainin 'yan, kaya lang po e, matindi ang lungkot niyang aso mo no'ng alam mo na...kapag nakakain na siya ay ayaw niya ng umulit." Paliwanag nito.

Napanguso ako sa harap ni Kitty. "Aww, my poor baby. Wala na nga si Donkey, 'wag naman sana pati ikaw," I kissed him and brushed his fur.

"Donkey na naman."

"May sinasabi ka Tanya?"hindi ko kasi masyadong narinig.

"Ang sabi ko po ay kukunin ko na ang meryenda niyo!" with that, she walked away.

Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa lugar kung nasaan kami. It was a different place where we used to stay. We're not in a condo anymore but we're in a different place where there are lots of tall trees around the area. Malaki rin naman ang bahay na tila nag mukhang kastilyo na ngunit hindi parin ako sanay. Talagang itinatago ako ng asawa ko ngunit hindi ko lang siya maintindihan.

Ang gusto niya ay dumito muna kami para sa aking ala-ala ngunit kahit isa noon ay walang bumalik. I mean, I could still wait but I just couldn't understand him.

"Kitty, dito ka—"napatigil ako sa pag kilos nang biglang sumakit ang aking ulo.

Nabitawan ko sa pagkakahawak si Kitty nang hindi ko kayanin ang sakit. Ipinikit ko ang aking mga mata habang hawak hawak ang aking ulo.

It hurts so much but I couldn't do anything about it. Bigla-bigla na lamang siyang sumasakit sa hindi ko maintindihang dahilan.

Sa hindi inaasahan, tila may pangyayari ang nagbalik sa aking isipan.

"Come on, Lucianne! Tell us who was the man you are inlove with!"

"Inlove ka, Lucianne?!"

"Come on, George. She's already sixteen! So sino nga 'yon, Lucy?"

"Madame, nandit—ayos ka lang po, madame?"

Mr. Zaccaro's AffectionWhere stories live. Discover now