Chapter 13
punch
"Ang gwapo parin talaga no'ng kapatid ni boss Alas!"bulalas ni Tanya.
Magkakasama kaming lima ngayon. Ako, si Kitty, Tanya, Zoran, at syempre hindi mawawala si snowman, Coleman.
Kanina lang ay dumating ang kapatid ni Alas na tinawag niyang Raquin. Well, shocked parin naman ako na may ganoon pala siya kagwapong kapatid.
Siguro ay nasa lahi na nila 'yon.
Kailan kaya malalahian? Eme lang.
Maguusap daw sila kaya sumama muna ako kila Tanya at dinala nga kami rito ni Zoran sa garden ng mansiong pinapalibutan ng mga kulay berdeng iba't ibang dahon.
"Hamak na mas gwapo naman ako tss. Bulag." Umirap ang nakakrus na brasong si Zoran at lumipat ang tingin kay Kitty. "Hindi ba, Kitty?"
But my dog did not respond. Dinilaan lang ako nito sa kamay kaya napahagikhik ako.
"Hmp. Snobber." Parinig pa ni Zoran.
"Dinadamay mo pa talaga 'yong aso sa ka oa-han mo. Mahiya ka naman. Bulbulin kana immature ka parin,"
Jusko naman itong si Tanya. Hindi mafilter ang bibig. Malakas tuloy akong tumawa.
"Ang bibig mo Tanya! Saka anong bulbulin?! I just shaved baka gusto mo pa ng proof?!"Zoran defended himself.
Napasapo naman ako sa noo ko. Jusko, pati ba naman sa harapan ko pag uusapan nila iyon? Kaloka.
Nilingon na lamang ako ni Tanya at hindi pinansin si Zo.
"Madame, sino sa tingin mo ang mas malaki?"pilyong ngumisi Tanya.
Nalaglag naman ang panga ko.
"Hoy, gago!"
"The fuck, Tanya?"
Zoran and Cole said in unison.
"Ha? M-malaki? Ang ano...? Tanya, umayos ka nga!"I added, feeling innocent. Bakit, mahalaga ba kung sino ang mas malaki? Parang hindi naman. Jusko, nakakahiya itong si Tanya.
"Ang bastos ng bibig mo ha!"suway ko pero nagtaka na lamang ako nang humalagapak siya ng tawa.
"Malaki kasi! Malaki 'yong pagmamahal, miss Lucy!"tumawa nang malakas si Tanya. "Ang green minded niyong lahat!"
Sus, akala mo naman siya hindi.
Napairap nalang ako. Hay nako. Ewan ko ba at simula nang mapadpad ako sa puder ni Alas ay hindi na ako naging inosente.
Pakiramdam ko pa naman napaka innocent ko no'ng hindi pa ako nawalan ng memorya.
Sana nga ay unti unti ng bumalik iyon dahil gusto kong malaman ang tunay na ako.
"Alam mo ba, ma'am Lucy? 'yang kapatid ni boss bumibisita iyan sa mansion minsan." Panimula ni Zoran.
"Aling mansion?"takang tanong ko. Syempre, mahirap naman hulaan kung alin dahil may mansion si Alas sa Pinas, dito sa Germany, at pakiramdam ko mayroon rin sa iba pang mga bansa.
"Sa Pinas, madame. Doon niyo po kasi piniling manirahan no'ng naikasal kayo dahil half Filipino po kayo."
Napatango tango naman ako sa paliwanag ni Zoran. Now, it makes sense why I looked foreign. Mayroon pala akong dugong banyaga.
YOU ARE READING
Mr. Zaccaro's Affection
ActionThe man who abducted me....has a delicate affection for me.