"What are you doing here?"
He shrugged. "Nothing important than what's happening here, I guess."
I rolled my eyes at him and anchored back my gaze to Ethan who's now trying to escape the rude guy's grip.
I smirked at him. "You deserve that, asshole!" I said before walking out of the scene.
"I'll make sure you'll regret this!" rinig kong sigaw niya sa akin.
I shook my head in disbelief. The nerve of that guy!
Masyado nang matagal ang nasayang kong oras dahil sa bwiset na Ethan na 'yon kaya hindi ko na lang tinuloy ang pagpunta ko sa CR. Urg! I even risk my peace for the next few days.
Dahil wala na akong gana makipag usap pa sa kanila ay nag text na lang ako sa manager ko na uuwi na ako. Masyado na rin namang late kaya gusto ko na magpahinga. I am so tired of my schedule for today.
After that, I immediately went out of the restaurant and waited for the Grab I booked. Habang nag aantay ako sa labas ay nakita kong kakalabas lang rin ng lalaki kanina sa alfamart kaya mabilis akong tumalikod para hindi niya ako makita.
But I was too dumb not to even think hindi niya makikilala ang dress na suot ko kanina. The next thing I knew, nasa tabi ko na siya.
"We meet again," he said.
I secretly rolled my eyes and turned around to face him.
"Oh really? Akala ko kasi stalker kita."
He teasingly grinned at me. "Galit ka pa rin ba dahil sa nangyari kanina?"
"Pake mo?" asik ko sa kanya dahil talagang mainit pa rin ang dugo ko sa kanya. Oo pogi siya but that doesn't give him the privilege to get what he wants.
Tumawa ito at bahagyang inayos ang gitara na nakasabit sa likod niya. My forehead creased in curiosity. Is he in a band?
Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa gitara kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Bakit ba kasi ang tagal ng grab! It's almost midnight, ano traffic pa din?
Maya-maya ay narinig ko siyang tumikhim kaya napalingon ako sa kanya.
"Before you conclude anything, we came here to perform. Inimbitahan lang kami ng may-ari ng resto since he's my bandmate's brother," paliwanag nito.
"Whatever," masungit kong sagot sa kanya dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usapan namin.
I heard him chuckled and saw him put his arms on his waist while shaking his head. Iniisip niya pa siguro inis pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya. I mean, it's true tho.
I was taken aback from my oblivion when I noticed a group of boys walking towards us. They was probably the bandmates' this guy was talking about. Nang makalapit sila sa amin ay nagkunwari akong nag ce-cellphone at bahagyang tinago ang mukha ko.
"Nandito ka lang pala dumidiskarte, Xav! Lakas mo talaga kanina ka pa naman hinahanap," rinig kong pang aasar sa kanya ng isang lalaki.
"Shut up, Bry."
"Haysus, pumapag-ibig ka na ah. Pakilala mo naman kami," pang gagatong pa ng ibang kasama niya.
"Uhm, miss-"
Luckily, biglang dumating ang Grab sa harap ko kaya mabilis akong sumakay at hindi na lumingon pa. Pero bago pa ako makapasok ay narinig ko ang sinabi ng isang kasamahan niya.
"Gago ka, Xav! Hindi mo ba nakikilala 'yong pinopormahan mo?!"
Mariin akong pumikit nang makaupo ako sa loob ng sasakyan. Oh my god! That was so close! Mayayari na talaga ako kay Tita Ara pag nalaman niya ang mga nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Starstruck Melody (Completed)
RomanceSerena Isabel Martinez, a rising starlet known for her charisma and talent on screen, finds herself in unfamiliar territory when a chance encounter at a music festival introduces her to Liam Xavier Sanchez, the enigmatic guitarist and lead vocalist...