Kinabukasan, nagising ako na nakaunan ang ulo ko sa braso ni Xav at magkayakap kaming dalawa. Ngumiti ako at hindi naiwasang mamula nang maalala ko ang nangyari kagabi. Ang landi mo talaga, Serena!
Sumulyap ako sa katabi ko at nang makitang natutulog pa rin 'to ay dahan-dahan kong inalis ang pagkakapatong ng braso niya sa akin. Inilapag ko 'yon sa kama saka hinawi ang comforter na nakabalot sa katawan ko.
I glanced back at him and smiled when I saw a soft smile playing on his lips even in sleep. Maamo ang mukha nito habang natutulog, tipong hindi mo aakalaain may ginawa siyang kababalaghan kagabi. It was a sight I could get used to.
Tumayo ako nang marinig ko ang pagkulo ng tiyan ko sa gutom. I looked at the clock on the side table and realized it was already nine in the morning. Habang tulog pa si Xav ay pumunta muna ako sa kusina para magluto ng almusal.
Binuksan ko ang ref pero wala akong makita na pwedeng lutuin kaya kinuha ko ang pancake sa cupboard at 'yon na lang ang niluto.
The smell of coffee and pancakes soon filled the air, and I found myself humming a tune as I cooked. Binabaliktad ko na 'yong pang huling pancake nang makarinig ako ng yabag galing sa likod ko.
"Morning,” his voice was warm and sleepy, sending a pleasant shiver down my spine.
Lumingon ako sa kanya at nakitang nakasandal ito sa hamba ng pintuan. Magulo ang buhok at gusot ang t-shirt na suot pero pogi pa rin tingnan. My heart skip a beat when he smiled at me. Lord, kung ganito makikita ko araw-araw ready na po ako mag asawa.
“Good morning,” I replied, smiling. “Nakatulog ka ba ng ayos?"
“Better than I have in a long time,” he admitted, walking over to her. “And it smells amazing in here. Anong niluto mo?”
I laughed softly. “Nagluto lang ako pancakes. Sana magustuhan mo."
He wrapped his arms around me from behind, resting his chin on my shoulder. “I’m sure I will,” bulong niya sa akin bago ako pinatakan ng halik sa pisngi.
"Pinagtimpla na rin kita ng kape," sabi ko at inabot sa kanya ang kape na hawak ko.
Kaagad niya 'yong kinuha at dinala sa lamesa kasama ng pancake.
"Thank, Bel. Kaunti na lang, aasawahin na talaga kita."
I rolled my eyes at him. "Ayan ka na naman."
He chuckled and took a bite of the pancake. Umupo na rin ako sa tabi niya at sabay kaming nag almusal. We just talked about work and recent happenings in our life. It felt natural, like we had known each other for years instead of just a few months.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko maghugas at naabutan siyang nanonood sa sala.
He shook his head. "I already canceled my plans for today."
Umupo ako sa tabi niya at hinampas siya sa braso. "What do you mean? Meron ka dapat lakad ngayon tapos di ka tumuloy? Siraulo ka ba?"
Tumawa lang ito at hinila ako paupo sa hita nito. I am now straddling his hips which made me blush. He cupped my face and caress my face with his finger.
"I just want to spend time with you, Bel. Masisisi mo ba ako? You're always busy kailangan ko pa yata mag pa-appointment sayo para makasama kita ng gan'to."
My lips pouted. "I'm sorry. Gusto rin naman kita makasama but I need to work para sa future natin."
That earned a smile from him. "Good to know I'm in your plans."
"Of course! You're always in my plan simula no'ng naging tayo na."
He pulled me into a hug and planted a kiss on my head. Pumikit ako para damhin 'yon at sumandal sa dibdib niya. Kung pwede lang palagi kaming ganto, walang problemang iniisip, walang pagmamadali sa oras na kasama ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Starstruck Melody (Completed)
RomanceSerena Isabel Martinez, a rising starlet known for her charisma and talent on screen, finds herself in unfamiliar territory when a chance encounter at a music festival introduces her to Liam Xavier Sanchez, the enigmatic guitarist and lead vocalist...