I walked out after revealing the greatest secret na matagal na niyang tinatago. She probably flaunt herself in the industry without telling others what background she has.
But sorry not sorry, I can be her biggest karma kapag binangga niya pa ako ulit. Hindi ko alam kung bakit pa siya na-iinsecure sa akin e siya na nga 'tong paborito ni Mommy. She also has the perfect producer figure in public. Ano pa ba ang gusto niya?
I am so frustrated to the point I didn't noticed that Tita A has been calling me since earlier. Kung hindi niya pa ako pinigilan sa paglalakad ay hindi ko siya mapapansin.
She held my arms and made me face her. "Serena, I need you to calm down," she stated.
I looked at her and took a deep breath. I know, this is another news for me but I don't care anymore. They can say everything they want about me. The hell I care!
"I'm sorry, Tita. I can't help it, para akong sasabog kapag nakikita ko siya. Narinig mo naman sinabi niya kanina diba? She's mocking me for what happened!"
"I know, anak. Kaya nga kumalma ka muna. Mahaba pa 'yong gabi para pairalin mo 'yang init ng ulo mo. And just for you to know, galit rin ako. I really thought Mr. Smith was genuine when he said he wants to meet you for possible collaborations. It turns out he already knew about the news. I'm sorry, Serena."
I shook my head. "Tita, it's not your fault. Let's just do this our own way na lang? I mean, we don't really have to hurry if it's not our time yet."
As a rising star, alam ko naman sa sarili ko na madami pa ako kailangan matutunan sa mundo ng pag aartista. My two years hiatus was enough for me to realize how hard showbiz really is. Nandito 'yong maya't maya merong balita tungkol sayo.
Of course, you also have those paparazzi who keeps on stalking you. You don't really get enough privacy if you're an artist. Ang isa lang sa mga gusto ko sa pagiging artista ay nakikilala ko 'yong mga taong tunay na humahanga sa akin.
"You're right, Serena. I'm sorry if I pressured you because of this."
"I know you're just doing this for me, Tita. I really appreciate it pero sa ngayon, gusto ko muna mag focus na lang sa promotion ng new movie ko."
She smiled at me and pressed my hand. "Hindi ko man madalas sabihin sayo 'to pero proud ako sayo," saad niya.
"Tita naman pinapaiyak niyo ako," biro ko sa kanya.
Parehas kaming nagtawanan dahil doon at pagkatapos ay inaya na ako ni tita na pumasok ulit sa reception area.
Pagbalik ko sa table namin ay wala na doon si Elaine at si Tita Mean na lang ang naiwan. She's probably wandering around for pogi hunting na sinasabi niya kanina.
I roam my eyes to look for her in other table pero hindi ko siya nakita. Hindi ko rin napansin si Samantha sa loob kaya ngumisi ako. One point for me I guess. Hindi na ako magtataka kung tumawag sa akin si Mommy para pagalitan na naman ako.
Halos alas nuwebe na rin ng gabi kaya nakaramdam ako ng gutom. Nagpaalam ako kay Tita na kukuha muna ng pagkain bago umalis sa lamesa. Ang daming pagkain ang nakaserve kaya hindi ko na alam kung ano kukunin ko.
Hindi na sana ako kukuha ng kanin dahil gabi na at diet rin ako pero nang makita ko ang steak ay hindi na ako nag dalawang isip na kumuha pa.
Pagkabalik ko sa lamesa ay nakasunod ang tingin ni Tita A sa plato ko. She arched her brow as if she's questioning the piece of steak in my plate.
"Really, Serena? Steak and rice? I thought you're on a diet?"
"Tita, ngayon lang 'to. I'm so hungry!" I exclaimed.
BINABASA MO ANG
Starstruck Melody (Completed)
Roman d'amourSerena Isabel Martinez, a rising starlet known for her charisma and talent on screen, finds herself in unfamiliar territory when a chance encounter at a music festival introduces her to Liam Xavier Sanchez, the enigmatic guitarist and lead vocalist...