Chapter 13

1 0 0
                                    

The set fell silent, a collective gasp filling the air as everyone froze in shock. Kahit si Direk ay nanlaki ang mata sa ginawa niya at nagpalitan naman ng tingin ang mga crew.

Ramdam ko ang hapdi ng sampal ni Mia sa pisngi ko pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko hinayaang isipin niya na nagtagumpay sa ginawa niya sa akin..

"What the hell, Mia?" I hissed, my voice was low but trembled with anger.

Her lips curled into a smirk, and she shrugged nonchalantly. "Just thought I'd give it a little more realism," she replied, her tone dripping with sarcasm.

Nakita ko ang mabilis na paglapit sa amin ni Direk at pumagitna sa aming dalawa.

"Cut! Mia, what was that? Wala 'yon sa script!"

She crossed her arms, feigning innocence. "I thought it would add to the scene. Isn't that what we're here for? Para magmukhang totoo?"

Kinuyom ko ang kamao ko at handa na siyang sabunutan pero nagpigil ako. This is a part of her plan. Huminga ako ng malalim bago kalmadong tumingin sa kanya. I should stay professional.

"Mia, nandito tayo para sundin kung ano 'yong nasa script at irespeto yong isa't isa bilang artista. What you did was uncalled for."

Tumango si Direk sa sinabi ko at naiinis na tumingin kay Mia, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. "Serena's right. We need to stick to the script and ensure a safe environment for everyone. Magpahinga na kayo bukas na lang ulit. Just make sure you wouldn't make the same mistake tomorrow, Mia."

Pagkaalis ng mga crew na nakapalibot sa amin ay umalis na rin ako at dumiretso sa cabin. Sumunod rin sa akin si Tita Ara na mukhang galit. Hinawakan ko ang pisngi ko nang maramdamang kumirot 'yon. Grabe, ang lakas ng sampal niya sa akin. Kung alam ko lang na gagawin niya 'yon edi sana inubos ko na lang lahat ng energy ko sa pagsampal sa mukha niya.

"Grabe talaga ang ugali ng batang 'yon!" reklamo ni Tita Ara sa tabi ko.

Tiningnan ko ang pisngi ko sa salamin at nakitang pulang-pula 'yon. I blew out a breath and tried to calm myself dahil nag iinit ang ulo ko kapag naaalala ko ang ginawa ni Mia.

"Kung bakit ba kasi siya pa ang ipinalit kay Lianne. Madami pa naman magagaling d'yan," sabi ko.

"Well, she's still trying to build her name kaya siya ang pinili ni Direk. Pero kung ganito ang ugali niya ngayong baguhan pa lang siya e hindi siya magtatagal sa industriyang 'to."

I let out a sigh. Napatigil kami sa pag uusap ni Tita A nang marinig namin na may kumatok sa pinto. Tumayo ako para buksan 'yon at bumungad sa akin si Julie.

"Julie—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Luke na biglang dumating sa likod niya. What is he doing here?

"Ma'am, anong nangyari sa inyo? Ba't pulang-pula ang pisng niyo?"

I put up a small smile. "Ayos lang ako, Julie. Pumasok ka na sa loob," sagot ko bago lumabas ng cabin pagkapasok niya.

"Hey..."

"Luke..."

Sabay kaming nagsalita kaya pilit akong tumawa. "Uh, anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay inabot sa akin ang ice bag na nakatago sa likod niya kanina. "Use this."

"H-Huh? Hindi, ayos lang naman. Hindi naman 'to siguro mamamaga," pag tanggi ko.

He creased his forehead and stared at my cheek. Umigtad ako nang hinawakan niya ang pisngi ko at nilagay doon ang ice bag.  Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko para ako ang maghawak non.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon