Chapter 19

1 0 0
                                    

Umawang ang labi ko nang makita silang umakyat sa platform. Nakita kong bahagyang dumilim ang ilaw sa loob at tinutok 'yon sa kanila. I gulped, trying to dislodge the lump that had formed in my throat.

Instantly, our memories together flooded back when my gaze stopped on him. My heart raced in anticipation and anxiety. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong nakita ko na siya ulit. Para akong nauubusan ng hininga.

He looked different, more mature, but his presence was unmistakable. He took his place at the microphone, his eyes scanning the crowd. Mabilis akong tumalikod nang makitang dumaan ang tingin niya sa akin. Did he saw me? God, I hope not.

I suddenly felt a rush of emotions. I wanted to flee, but my feet were rooted to the spot. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa view sa may balkonahe para lang maiwasan ang pagtatagpo ng mata namin.

Humarap lang ako ulit nang magsimula na silang kumanta. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi makuha ang atensyon nila dahil kailangan ko pa buksan ang sliding door para makapasok.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakitang si Luke 'yon at nasa likod niya si Elaine na namumula na. Madami-dami na siguro 'tong nainom kaya gano'n. She has a concerned look at her face. Alam ko na agad kung para saan 'yon.

"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap," tanong ni Luke.

"Diyan lang sa balcony nagpahangin," maikli kong sagot.

"Uuwi ka na?" tanong ni Elaine sa akin nang makitang kinuha ko ang purse na dala sa table kung nasaan kami kanina.

I nodded my head. I don't think I can stay here knowing my ex is also at the same place with me. Isa pa, hindi niya ako gugustuhin makita. Hindi rin ako komportable na nasa iisang lugar kaming dalawa.

"Oo. Biglang sumama 'yong pakiramdam ko e," pagsisinungaling ko.

"What? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Luke sa akin pero umiling lang ako.

Gusto ko lang talagang umuwi. I glanced back on the stage and caught my breath when our eyes met. Pakiramdam ko ay saglit na tumigil ang oras at kaming dalawa lang ang nandoon. Mabilis ang tibok ng puso ko sa titigan namin at hindi pa rin 'yon humupa nang iiwas ko ang tingin sa kanya.

"Pasensya na pero kailangan ko na talaga umuwi. Mauna na ako sa inyo," nagmamadali kong paalam.

"Teka, ihatid na kita," pigil ni Luke sa akin at hinawakan ang braso ko.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya doon at tumingin kay Elaine na nakatitig lang sa amin. "Hindi na, Luke. Si Elaine na lang ang ihatid mo mamaya pauwi. Mag tataxi na lang ako."

"Pero—"

"I can handle myself, Luke. Salamat na lang sa concern mo," putol ko sa sasabihin niya bago sila tinalikuran at naglakad palayo.

Nagmamadali akong bumaba sa rooftop nang marinig na tapos na sila sa pagkanta. Ibig sabihin lang no'n ay malaki ang chance na magkita kami sa taas kung nagtagal pa ako don.

Pagkarating ko sa baba ko ay nagulat ako sa dami ng tao sa dance floor. What the fuck? Kakaunti pa lang 'to kanina ah. Hindi ko alam kung papaano ako sisingit para makalabas pero sinubukan ko pa din.

Fuck! I can't breathe!

Determined, I tried to slide myself into the dance floor, hoping to find my way out of the bar unnoticed. Pinagpapawisan na ako sa ginagawa ko makalabas lang. But luck wasn't on my side tonight.

Sa pagpipilit kong makalabas ay hindi ko napansin na may makakasalubong ako. I lost my balance and fell on the floor. Wala rin naman pumansin sa akin dahil busy sila sa pagsasayaw at may mga sariling mundo kaya sinubukan kong tumayo.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon