Chapter 10

2 0 0
                                    

Sumulyap ako sa paa ko pagkatapos ko alisin ang sandals. Namumula pa rin 'yon at kumikirot kaya umupo muna ako sa lobby ng Horizon. Ngumiwi ako nang sinubukan ko ulit i-suot ang sandals ko at nasagi yon.

It's already five in the afternoon tapos hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakauwi. I just want to rest and sleep. Tatayo na sana ako ulit nang biglang mag ring ang cellphone ko at nakitang si Xavier ang tumatawag. Sinagot ko 'yon kaagad.

"Hello, Xav."

"Hi, baby. How's your day? Nakauwi ka na ba?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Hindi pa nga, e. Kakatapos lang ng shoot namin pero pauwi na rin ako. Nagpapahinga lang saglit."

"Did you bring you car or kasabay mo si Tita Ara?"

I nodded my head. "Yeah, dala ko sasakyan ko. Don't worry pauwi na rin naman ako. Nagpapahinga lang ako saglit."

"Okay. Sunduin na kita. Mag cocommute na lang ako papunta diyan," sabi niya.

"What? Hindi pwede, Xav. Paano kung makita ka nila na sinusundo ako?" nag aalala kong sabi.

Hindi ko naman kinakahiya si Xav pero kasi iba na ang panahon ngayon. Baka mamaya may issue na naman tungkol sa akin tas madamay pa siya. I don't want that to happen.

"I can wear disguise, Bel. Susunduin kita and that's final. I'm on my way," may pinalidad sa tono na sagot nito sa akin.

I pouted. "Fine, I'll wait you here."

I ended the call after that and waited for him at the lobby. Pagkadating niya sa building ay tinext ko siya na sa parking lot sa ground floor na siya dumiretso para walang makakita sa kanya.

Dahil masakit ang paa ko ay iika-ika akong naglakad papuntang elevator. Hindi ko kayang bumaba ng hagdan kahit malapit lang naman.

I immediately went out of the elevator when it stopped at the ground floor and walked towards my car. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala dala ng kilig na nararamdaman ko ngayon.

This is so unfair! He's so handsome, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. He's just wearing a plain white shirt and black cargo pants pero ang pogi pogi niya tingnan. Even with his face covered in a mask and a cap, hindi pa rin maitatanggi na gwapo ito sa postura pa lang.

Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay kita ko nang nakataas ang isang kilay niya sa akin at sinundo na ako sa paglalakad. He probably noticed I'm walking slowly which is not usual since palagi ako nagmamadali kapag nakikita ko na siya.

"What happened to your foot?" he asked with his brows furrowed.

"Uh...wala kanina lang 'yan sa shoot," pagsisinungaling ko.

He narrowed his eyes at me, as if he's examining whether I'm telling the truth or not. Pero mukhang hindi gumana ang pag arte ko sa kanya dahil sumandal siya sa pintuan ng kotse at naka ekis ang kamay na tumingin sa akin.

"You're a bad girl, Bel. Nagsisinungaling ka na sa akin ngayon," he muttered.

"Matagal ko nang alam 'yan, Xav," diretso kong sagot sa kanya. Nagbabasakaling titigilan niya ako pero mas lalo pa siyang nag matigas.

I gasped when he snaked his arms around my waist and pulled me closer to him. Walang estas yong natira sa pagitan naming dalawa kaya tumungo ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.

I can't breathe! Marahan ko siyang hinampas sa dibdib nang maisip ko na baka merong dumating at makita kami sa ganoong posisyon. I tried to push him away pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya sa akin.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon