Chapter 18

1 0 0
                                    

"I'm outside your house, Serena. Tapos ka na ba?" ani ni Luke mula sa kabilang linya.

I stood in front of the vanity, looking at my reflection. Tonight was the premiere of my latest movie with him. For the past five years, si Luke na ang palaging itinatambal nila sa akin. Well, meron pa rin naman akong nagawang projects na hindi siya ang kasama ko pero iilan lang 'yon. Madami kasi nagsasabi malakas daw ang chemistry naming dalawa kaya gustong-gusto rin ng mga tao na magkasama kami.

"Yup! I'm almost done. Pahintay na lang ako saglit," sagot ko sa kanya habang tinatapos ni Julie ang pag aayos ng buhok ko.

It was an intricate updo that framed my face perfectly. My makeup was flawless, emphasizing my bright hazel eyes and full lips. I also wore a stunning gown, created by one of the top designers in the world. The dress was a deep emerald green that complemented my fair complexion and hugged my figure in all the right places.

"Ang ganda niyo na, Ma'am Serena," puri sa akin ni Julie pagkatapos.

Umismid ako. "Nako, gumagaling ka na sa pambobola ah. Pero salamat, Julie. Mauuna na ako sayo nandyan na kasi si Luke sa baba. Paki-lock na lang ako ng bahay mamaya."

Nang makita ko siyang tumango ay bumaba na rin ako at lumabas ng bahay. Sumulyap ako sa cellphone ko at nakitang ala sais na ng gabi. 7 pm ang simula ng event kaya sa tingin ko naman ay abot kami. Huwag lang sana traffic papunta doon.

Pagkarating ko sa van ay pinagbuksan agad ako ni Luke ng pintuan.

"Thanks," I muttered and sat beside him. Inayos ko ang gown na suot ko at pinatong ang purse na dala sa hita ko.

Nilingon ko ulit siya nang mapansin na pareho ang kulay ng suot namin. Well, hindi naman totally pareho since ibang shade ng green 'yong sa kanya. But it made us look like a couple going to an event. Hindi naman namin pinag usapan kung ano ang susuotin namin ngayon.

"Wow, what a coincidence," rinig kong sabi niya nang mapansin niya rin.

I grinned at him. "Talaga? Baka naman tinanong mo kay Tita Ara kung anong kulay ng suot ko?" pang-aasar ko sa kanya.

Umismid siya sa akin na ikinahalakhak ko. Hindi pa rin talaga nawawala ang kasungitan niya pero at least medyo open na kami sa isa't isa. Palagi na namin siyang kasama ni Elaine kapag gusto namin mag bar.

I was really hesitant at first kung papayag ba ako na siya ang partner ko lalo na at nagkaroon nga kami ng dating rumors dati. But Tita Ara convinced me that this is for the best. It's true though dahil pagkatapos ng unang project ko kasama siya ay sunod-sunod na ang mga projects na inoffer sa akin.

Maya-maya pa ay tumigil na ang kotse sa venue kung saan nakaparada ang red carpet.

"We're here. Are you ready?" tanong ni Luke sa akin.

I took a deep breath and nodded my head. "Yes, I'm ready."

Nauna na siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa labas nang makita nila si Luke. Mas lalo pang lumakas 'yon nang makalabas ako sa van. Hindi na magkamayaw ang ingay at sunod-sunod na tunog ng camera.

I smiled graciously, waving at the fans who had gathered to support us. Inayos muna ni Luke ang gown sa likod ko bago kami nagsimulang maglakad sa red carpet. Habang nag lalakad ay maraming pamilyar na mukha akong nakita.  Kabilang na doon si Elaine na nakangisi na naman sa akin.

Nang makarating kami sa gitna para mag pose ay madaming reporters ang lumapit sa amin pagkatapos para sa interview.

"Serena, totoo bang meron namamagitan sa inyong dalawa ni Luke?" diretsang tanong ng isang reporter.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon