Chapter 8

4 0 0
                                    

The following weeks passed in a blur of work. I met with Lisa last week to discuss about the campaign and the availability of my schedule for the month.

Supposedly, magsisimula na ang shooting namin sa bagong movie pero na-move ang date dahil nagkaroon ng problema sa venue. Pabor naman sa akin 'yon dahil mas nagkaroon ako ng time para asikasuhin ang campaign project ko sa Horizon.

"What do you think so far?" tanong sa akin ni Direk habang pinapanood ang footage ng photoshoot ko kanina.

I paused the video and turned to him, as I organized my thoughts into words.

"I like the composition and the lighting," I began. "Pero siguro pwede ko pang i-push ng kaunti 'yong expression ko sa ibang shots? I want it to feel authentic, like I'm really connecting with the audience."

He nodded in agreement, adjusting his glasses. "I see what you mean. We can work on enhancing the emotional depth in the next session," he suggested. "Sa ngayon, magpahinga ka muna. I know you had enough for today."

We continued to review each segment of the footage together, discussing angles, lighting adjustments, and the overall narrative coherence.

Maya-maya, habang pinapasunod ni Direk ang mga pictures ko ay tumigil siya sa isang picture na. It was particularly striking shot where my gaze held a mix of determination and vulnerability.

Nakita kong sumandal siya sa upuan at may ngiting lumabas sa labi niya.

"This one is powerful," he commented, gesturing toward the screen. "It really captures the essence of what we're trying to convey. You're really good at this, Serena. Hindi ako nagkamali na ikaw ang kinuha namin para dito."

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Thank you, Direk. I'll continue to work on my expressions next time. "

Tumango siya bago isinarado ang laptop na hawak niya. "We'll just make the necessary adjustments tapos ipapainform na lang ulit kita kay Lisa kung kelan ang schedule ng next shoot natin."

I smiled gratefully, feeling a sense of accomplishment mixed with anticipation for the campaign's impact. Nauna na akong umalis sa kanila sa editing room pagkatapos ko magpaaalam dahil kailangan pa raw nilang tapusin ang pag eedit.

Habang palabas ako ng building ay hindi ko mapigilan na maexcite dahil sa sinabi sa akin ni Direk kanina. The campaign was more than just a project-it was a platform to inspire change, and I am determined to make every moment count.

Nasa parking lot na ako at pasakay na sana ng kotse nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was a text from Elaine.

Elaine:
Hey! Free ka ba tonight?

Nagtipa ako ng reply sa kanya habang binubuksan ang pinto ng kotse at pumasok sa loob.

Me:
I think? Bakit?

Elaine:
Tara bar mamaya :)

Me:
Broken ka ba?

Elaine:
Yes. Kaya please samahan mo na ako. Libre kita!

I smiled, typing back quickly.

Me:
Sounds great! Anong oras? Kakatapos lang ng shoot ko. Uuwi muna ako para magbihis.

Elaine:
8 pm. Sunduin na lang kita mamaya. See you! Mwa.

Pagkabasa ko sa text niya ay hindi na ako nagreply pa at nag drive na pauwi. Hindi ko kasama si Tita Ara ngayon kasi meron siyang sakit kaya dala ko ang kotse. Meron din naman gig sila Xav ngayon kaya hindi niya ako masusundo.

Pagkauwi ko sa bahay ay naligo kaagad ako at nag ayos. I straightened my hair and put it into ponytail. I just wore a black spaghetti strap satin dress na umabot lang hanggang sa taas ng tuhod ko. It was paired with a two inches thong sandals in black color.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon