Bumaba ako ng van at salubong ang kilay na lumapit sa kanya, walang pagmamadali sa lakad dahil sa walking boot na nakabalot sa paa ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Mahinahon pa ako sa oras na 'yon. Masyado pang maaga para makipagbangayan ako sa kanya pero mukhang hindi ko maiiwasan 'yon ngayon.
Hindi siya sumagot at dumapo ang tingin sa paa ko. "How's your feet? Nagpacheck up ka na-"
"Oh, cut the crap, Xavier. I know you're not here para kumustahin ang paa ko. So, tell me. Anong ginagawa mo dito?" putol ko sa sasabihin niya.
He cleared his throat. "Can we talk?" may pag aalangan sa boses nitong tanong sa akin.
My forehead creased and met his gaze. "About what?" balik kong tanong sa kanya habang binubuksan ang gate.
"About..." He hesitated for a moment. "us?" he continued.
I scoffed in disbelief and glanced at him. "We have nothing to talk about, Xavier. Matagal na tayong tapos. Ikaw na mismo ang nagsabi noon na 'wag na tayong magkita ulit. What? Kinakain mo na ba 'yong sinabi mo?"
Umigting ang paa niya. "I know you're still mad at me, Serena."
"I'm not mad, Xavier. I told you I've already moved on from our past. Ano pa ba ang kailangan natin pag usapan?"
That was a lie. We have so many things to talk about but I'm not yet ready to do that. Meron na siyang girlfriend kaya dapat ay off-limits na rin ako sa buhay niya. Hindi ko nga alam kung bakit siya itong sumusulpot sa buhay ko ngayon.
"I just want to clear things, Serena. Noong sinabi kong huwag tayong magkita ulit, hindi ibig sabihin no'n ayaw na kitang makita. What I meant was, let's not meet each other again or else-"
"Or else what? Ipapamukha mo sa akin na meron ka nang bago? at si Samantha 'yon ganon ba?" singhal ko sa kanya.
Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ang pag uusap namin na 'to pero hindi siya nagpatinag. Humakbang siya palapit sa akin at ikinulong ako sa braso niya. I felt my back touched the gate.
"Why do you keep cutting me off?" inis niyang tanong sa akin. Frustration was visible on his face. I gulped when I felt a lumped on my throat. Gusto kong sumagot pero nanatiling tikom ang bibig ko.
When I finally had the courage to open my mouth, umalma kaagad ako sa sinabi niya. "Hindi ba obvious? Hindi ako interesado makipag usap sayo," pagsisinungaling ko.
I bravely met his gaze. Walang nagbababa ng tingin sa aming dalawa, parehas nagmamatigas. Not until he opened his mouth.
"I said let's not meet each other, Serena. Or else..." He trailed off. "Hindi ko mapipigilan ang sarili ko na habulin ka ulit at bawiin ka sa boyfriend mo."
Umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. What the fuck? Did I heard him right? I blinked a few times, trying to compose myself in front of him.
Mabilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay rinig niya kung gaano kalakas 'yon. Binasa ko ang labi ko nang makitang nakatitig siya doon. I suddenly felt conscious about my lips.
A grin appeared on his face as he fixed his gaze on me. There was amusement dancing in his eyes. "Damn...you still know how to make me crazy."
"W-What?" nauutal kong usal.
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa nang marinig ang boses ko. It sounded vulnerable and soft which is not the sound I wanted him to hear right now. Baka isipin niya ay marupok ako.
"Pwede na ba tayo mag usap?" mahinahon niyang tanong sa akin.
Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. "Fine. We can talk pero lumayo ka muna sa akin," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Starstruck Melody (Completed)
RomanceSerena Isabel Martinez, a rising starlet known for her charisma and talent on screen, finds herself in unfamiliar territory when a chance encounter at a music festival introduces her to Liam Xavier Sanchez, the enigmatic guitarist and lead vocalist...