Chapter 22

0 0 0
                                    

I blinked a few times, my mind racing with questions. I couldn't wrap my head around the fact that Xavier, the guitarist from Silent Echoes, was suddenly her leading man in a major film. Paano nangyari 'yon? As far as I remember, they're under Aura Entertainment. Paano siya napunta dito sa amin? Is this some kind of collaboration?

Direk Moralez looked up from his desk and smiled as he saw him entering the door. "Xavier, you're here. Mabuti naman at nakapunta ka ngayon? Akala ko e busy kayo sa recording?"

Dumapo ang tingin ni Xav sa akin at ipinilig ang ulo niya, mataman akong tiningnan. "Yeah, but I'm done with my part, Direk. And I want to meet Serena as well."

I rolled my eyes at him. Why is he acting as if close kami? Well, before oo pero ngayon hindi na! Damn. Mabuti na lang ay hindi pa ako umu-oo kay Direk na tatanggapin ko na ang role ko dito.

"Oops, my bad. Pasensya ka na hindi kita napakilala agad," sabi ni Direk at hinila palapit sa akin si Xav na may ngisi sa labi.

Umangat ang kilay ko sa kanya at pinag krus ang braso ko. Walang ganang tinapunan ko siya ng tingin.

"Xavier, this is Serena. I'm sure naman kilala mo siya 'di ba? I mean, sino ba ang hindi makakakilala kay Serena?" pagpapakilala ni Direk sa akin sa kanya.

Hilaw akong tumawa sa sinabi nito. Bakit nga ba hindi niya ako makikilala e ako lang naman ang ex niya. Great!

"Serena..." rinig kong tawag niya sa pangalan ko kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Umirap ako nang makita ang mapaglarong ngisi sa labi niya. He's doing this on purpose!

"Nice to meet you again, Serena," he muttered. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya at sumulyap kay Direk na ngayon ay pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

"Again? You knew each other?" nagtatakang tanong nito.

"Yes"

"No," sabay naming sagot. I glared at him. Kaunti na lang ay mauubos na ang pasensya ko sa kanya. Hindi porke't mahal ko pa rin siya ay kakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin noon.

"Uh, I'm sorry, Direk. Pero pwede bang mag usap muna kami sa labas?" tanong ko pero hindi ko na inantay ang sagot niya at hinila si Xavier palabas ng office.

Binitawan ko ang braso niya nang makarating kami sa malapit na fire exit.

"Anong ginagawa mo? Nananadya ka ba?" singhal ko sa kanya.

Sumandal siya sa pader at ibinulsa ang dalawa niyang kamay. "I'm not doing anything, Bel."

"Stop calling me that! Wala ka na karapatan tawagin ako niyan," suway ko sa kanya. Nag taas baba ang balikat ko sa inis. I feel so frustrated right now dahil hanggang sa trabaho ay sinusundan niya ako.

"What the hell do you want from me? Did you talk to Direk para mapalitan ang role ni Luke sa project?"

His eyes darkened, annoyed. Naiinis siyang tumingin sa akin at lumapit, cornering me with his arms. "Why? Mas gusto mo ba siya ang kasama mo?"

I met his gaze. "E, ano naman ngayon sayo? Paano kung siya ang gusto kong kasama? Will you give up the role?"

He licked his lower lip and grinned. "Dream on, Serena. For I would move heaven and earth just to get near you."

I gritted my teeth in frustration. "You are such a cheater!" galit kong sabi sa kanya. "Meron ka nang girlfriend tapos pumuporma ka pa sa ibang babae! Alam ba 'to ni Samantha?"

He stared at me with amusement. "She's not my girlfriend, Serena. If that's what you wanted to hear."

"Liar."

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon