Chapter 9

1 0 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang naglalagay ng make up sa mukha ko. Meron akong  interview ngayon sa show ni Dianna. One of the most famous talk show in the entertainment industry today.

Kaya kailangan kong mag ayos ng mabuti dahil marami ang makakapanood sa akin. The soft light in my room highlighted my features as I carefully blended the foundation on my face and added a touch of blush to my cheek. Naglagay rin ako ng eyeliner at mascara para naman magkaroon ng buhay ang mata ko. Hindi na ako nag contact lense dahil sumasakit ang mata ko pag matagal ko 'yong suot.

Hindi lang ako magiging komportable doon at ayaw kong mapanood nila ako sa TV na gano'n.

I just wore a chic, knee-length navy blue dress with a cinched waist that accentuated my figure. It had delicate lace detailing on the sleeves and hem, adding a touch of elegance. I paired it with strappy beige sandals that complemented my outfit perfectly.

Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok at kinulot na lang ang dulo no'n. Habang nilalagay ko ang mga dadalhin kong gamit sa handbag ko ay narinig kong nag ring ang cellphone ko na nasa kama. It was Tita Ara.

“Serena, nasaan ka na?” tanong niya na may bahid ng pagmamadali sa boses.

“I’m almost ready, Tita,” I replied, trying to keep the anxiety out of her voice. "Paalis na rin ako, inayos ko lang 'yong mga dadalhin ko."

Diretso na kasi ako mamaya sa Horizon dahil ngayon rin nakaschedule ang continuation ng shoot para sa campaign. Hindi ko na pwedeng ipalipat ang schedule dahil busy na rin ako next week. Magsisimula na rin kasi ang shooting namin para sa bagong movie project.

“Hurry up, we can’t be late for this interview. Nandito na rin si Dianna sa studio.

“Got it, I’ll be there in fifteen minutes,” I said, ending the call.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin bago ko kinuha ang bag at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Habang nasa byahe ako papunta sa studio ay hindi ko maiwasan mag isip kung ano ang mga itatanong sa akin. I wanted to make a good impression in the interview, especially ngayon na medyo umookay na ulit ang career ko at dumadami na din ang nakakakilala sa akin, unlike before.

Sa tuwing lumalabas ako ngayon, meron na rin akong kasama na bodyguard unless personal matters ang pupuntahan ko.

Few minutes later, I arrived at the studio just in time. Nagmamadali kong pinarada ang sasakyan at pumasok na sa loob.  Sumulyap ako sa suot kong relo at nakitang sampung minuto na lang ang natitirang oras bago ang interview.

Pagkapasok ko ay naabutan ko doon si Tita Ara at si Dianna na nag uusap. Her face lightened when she saw me entering the studio. Mukhang kanina pa nga niya ako inaantay.

Dianna walked towards me along with Tita Ara.

"Serena, finally nakita rin kita. It's great to see you. Totoo nga talaga ang usap-usapan nilang ang ganda mo sa personal." she greeted her with a warm smile."

"Thank you, Dianna. Sorry din at kararating ko lang."

"Ano ka ba ayos lang 'yon. Hindi ka naman late, e."

I smiled at her. "Thanks for understanding, Dianna."

"Pwede na ba tayong magsimula, Serena? Hindi ka na ba mag re-retouch muna?"

Umiling ako. "No, I'm fine. Let's start na."

She nodded and guided me towards the main set where the audiences are. I heard them giggling and screaming when I came out of the backstage. Pagkaupo ko ay binigay sa akin ni Dianna ang mic na gagamitin ko mamaya.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon