Days after I rejected the offer for the new project, I busied myself with preparation for my birthday party. I wanted it to be perfect-gusto ko makakapagrelax ako at meenjoy ko ang birthday ko ng walang kung anong iniisip.
I was planning to host it at the luxurious Shangri-La at the Fort in BGC. I already booked the Grand Ballroom with floor-to-ceiling windows offering panoramic views of the city. I'm sure my visitors will enjoy that.
Habang sumisimsim ako sa kape ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko 'yon at nakita ang reminder sa meeting ko with the event coordinator. I gathered all my materials and headed out to finalize the details.
Nang makarating ako sa hotel ay kaagad akong binati ni Tanya, the event coordinator, at giniya ako papunta sa ballroom.
She laid out a variety of table settings, floral arrangements, and lighting options. Nagustuhan ko ang mga 'yon at nakapili kaagad ako ng gusto ko para sa party. I chose a theme of classic elegance, with soft pastel colors, twinkling fairy lights, and elegant centerpieces.
"I think this is perfect," I said, admiring the setup. "It's exactly what I envisioned."
Ngumiti si Tanya sa sinabi ko at tumango. "Mabuti naman po kung gano'n. Bagay na bagay rin po sa personality niyo ang napili niyo."
We just finalized the decorations at pagkatapos ay lumipat na kami sa menu. The hotel's renowned chef had prepared a selection of dishes for her to sample. I tasted each one of them, deciding on a mix of gourmet appetizers, a lavish main course, and a decadent dessert buffet.
Hindi naman gano'n kadami ang bisita ko dahil kaunti lang naman ang kakilala ko. Si Tita Ara na lang ang bahala mag imbita sa iba. I'm sure siya ang nakakaalam kung sino ang dapat na nandoon sa party ko.
Halos tatlong oras rin akong nasa hotel at lunch na ako nakaalis. Balak ko na sanang umuwi pero tinawagan ako ni Elaine kanina at nagpapasama siya mag shopping. May date daw kasi siya mamaya, gusto niya ako pa ang pumili ng susuotin niya.
Ilang minuto lang ang binyahe ko at nakarating agad ako sa mall. Nagsuot muna ako ng facemask at salamin para itago ang mukha ko. I know I look weird but I don't have a choice. Naabutan ko doon si Elaine na nag aantay sa harap ng isang boutique. Naka mask rin 'to.
"Akala ko hindi mo na ako sisiputin e," ngumuso ito. Medyo late kasi ako dumating at naipit sa traffic. Well, hindi ko naman kasalanan na traffic sa pinas. I mean, palagi naman 'di ba?
"Sisihin mo 'yong traffic 'wag ako," asik ko sa kanya.
She pouted and clung her arms to me. "Simulan na natin maghanap at baka abutin pa tayo ng hapon dito."
Nagkatotoo nga ang sinabi niya dahil ilang oras kaming naglibot sa mga store bago pa siya nakapili. Pagod na ang mga paa ko tapos hindi pa ako kumakain ng tanghalian kaya inaya niya ako kumain pagkatapos. Syempre libre niya dahil pinagod niya ako.
"Thanks, Serena. You have such a great eye for fashion. Siguro kung hindi kita kasama ay wala akong nabili para sa sarili ko," pambobola nito.
Umirap ako. "Baka nga limang damit ang mabili mo kasi wala kang mapili," asar ko sa kanya.
She let out a laugh. "Tama ka naman dyan."
Ngumisi ako. Ewan ko ba sa babaeng 'to palaging ako ang isinasama kapag may pupuntahan siyang date. Meron naman siyang stylist pero hindi pareho ang taste nila sa fashion kaya palagi sila nagtatalo. In the end, ako pa rin ang kinukulit niya para samahan siya.
"Oh, before I forgot. Meron pala akong ibibigay sayo," singit niya sa gitna ng usapan namin papunta sa parking.
Kunot ang noo kong humarap sa kanya. I watcher her pulled something out from her bag.
BINABASA MO ANG
Starstruck Melody (Completed)
RomanceSerena Isabel Martinez, a rising starlet known for her charisma and talent on screen, finds herself in unfamiliar territory when a chance encounter at a music festival introduces her to Liam Xavier Sanchez, the enigmatic guitarist and lead vocalist...