The interview aired the following week, and my phone was inundated with messages from friends, fans, and colleagues. Madami ang nagsabi ng congratulations dahil ang galing daw ng pagkakasagot ko. Kaya lang, marami rin ang nag comment tungkol sa "special someone" na nabanggit ko sa interview.
I knew it was inevitable, pero handa naman na ako sa kung anong sasabihin nila sa akin. Sanay na ako sa mga bashers na wala naman ginawa sa mundo kun'di makialam sa buhay ng ibang tao. I'll just ignore them and everything will be fine. Or so i thought until I heard my phone rang.
Sinagot ko 'yon kaagad ng makita ang pangalan ni Xav sa screen.
"Hi!" I greeted.
"Hi, baby. I just finished watching the interview, you did great, Bel."
"Thank you, Xav. Bakit ka nga pala napatawag? May sasabihin ka ba?"
"Wala naman. I just want to congratulate you and say that I'm proud of you."
My heart melts hearing him say that. Minsan lang meron magsabi sa akin that they're proud of me and I really appreciate that. It makes me feel important and valued.
My lips stretched for a smile. "You can just text me though."
"Yeah. But, I like hearing your voice and I already miss you," he said.
I pouted. "I miss you, too. I'm sorry I can't go to your gig tonight. Meron kami shooting mamaya sa Batangas, baka bukas pa uwi namin."
"Ayos lang, Bel. Just focus on your movie. I know you can do it."
We talked more for a few minutes before I ended the call dahil kailangan ko na mag ligpit ng mga dadalhin ko mamaya. Sabay-sabay kaming pupunta doon kaya hindi ko na kailangan dalhin mamaya ang kotse ko. Hindi rin ako nagdala ng masyadong damit kasi hindi naman ganon kadami ang scene na i-shoshoot namin doon. Pwede rin naman ako bumili na lang ng bago.
I looked at myself in the mirror pagkatapos ko mag make-up. Simple lang ang suot ko, plain white fitted shirt and high waist denim pants paired with black slingback sandals from Saint Laurent. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok at nagsuot ng sunglasses nang marinig ko ang busina sa labas ng bahay ko.
Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ang dalawang van na nakaparada doon. Hinila ko ang maleta na dadalhin ko bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng gate ay bumungad kaagad sa akin si Elaine na pinagbuksan ako ng pinto.
Bumaba rin si Kuya Albert para tulungan akong ilagay sa likod ang dala kong maleta.
"Thanks, Kuya," sabi ko bago sumilip sa loob. My forehead creased when I didn't saw Tita Ara inside. It was just Elaine and Luke, my partner in the new movie.
Tumingin ako kay Elaine na nakangisi sa akin. "Bakit wala dito si Tita Ara?"
"Nasa kabilang van. Hindi na kasi kasya 'yong ibang gamit sa compartment kaya meron pa mga gamit sa likod. Wala na silang mauupuan."
I nodded my head. Ililipat ko na sana ang bag na nakapatong sa upuan na katabi niya pero pinigilqn niya ako.
"Wait! Baka may mabasag dyan! Doon ka na lang umupo sa tabi ni Luke," sabi nito.
Sumulyap ako kay Luke na pinapanood lang kami at nag iwas ng tingin nang magkasalubong ang tingin namin. I bit my lower lip, he's always like this. Masungit at walang pake sa kasama niya. Kaya nga gusto ko sa tabi ni Elaine para naman may kausap ako sa byahe.
Tumingin ako ulit kay Elaine at tinaasan siya ng kilay. "What do you mean? May dala ka bang plato at baso para may mabasag dyan?"
"Uh...oo!" sagot niya at binalik ang tingin sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Starstruck Melody (Completed)
RomanceSerena Isabel Martinez, a rising starlet known for her charisma and talent on screen, finds herself in unfamiliar territory when a chance encounter at a music festival introduces her to Liam Xavier Sanchez, the enigmatic guitarist and lead vocalist...