Chapter 17

1 0 0
                                    

It's been a week since the day we broke up. Ang daming lumabas na article tungkol sa amin. Some are siding with him saying hindi naman talaga kami bagay in the first place. I was hurt of course. Masakit para sa akin mabasa ang mga salitang 'yon mula sa ibang tao.

Madami pa silang sinabi tungkol sa amin, sa akin pero pilit ko na lang binabalewala ang mga 'yon. But, I don't think I can even move forward without him in my life. Mahirap pala kapag nasanay ka na meron kang kasama sa buhay.

I sat on my bed, staring blankly at the wall. Sa loob ng isang linggo ay nakakulong lang ako sa kwarto na binabalot ng katahimikan. Tita Ara has been calling me every day to ask how I am. I would always say I'm fine, but I knew I was not. The events of the past few days played over and over in my mind like a cruel, never-ending loop.

Akala ko talaga siya na. I thought I had already find the right one. We had shared so many moments of joy and tenderness, dreams of a future together pero ngayon, alaala na lang lahat ng yon. Every time I close my eyes, his smile and our memories together in this house haunt me.

Kinuha ko ang cellphone sa side table, nag iisip na i-message siya pero binitawan ko 'yon agad nang mahimasmasan. He never bothered reaching out to me again, so why would I?

I sighed deeply, trying to focus on something else. Tumayo ako sa kama at nagbihis ng komportableng damit. Tutal wala naman akong ginagawa sa bahay ay napagdesisyon ko na maglakad-lakad, baka sakaling makalimutan ko saglit ang problema ko.

Habang naglalakad ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng short. I hesitated if I should check the message or not but, I realized I've been keeping myself away for too long. It was from Elaine at meron din message galing kay Tita Ara.

Elaine:
Hey, just checking in. How are you holding up? Ayos ka pa ba?

My fingers hovered over the screen for a moment before I replied.

Me:
Ayos lang.

Mabilis ang reply niya sa akin dahil kakasend pa lang ng message ko ay tumunog agad ang cellphone ko.

Elaine:
Let’s meet up. You shouldn’t be alone right now. Bar tayo?

Tinitigan ko ang message niya at saglit na nag isip kung sasama ba ako o hindi. Wala naman akong ginagawa sa bahay kundi magmukmok.

Me:
Okay.

Elaine:
Perfect! Sunduin kita sa inyo, magbibihis lang ako.

Pagkabasa ko ng message niya ay naglakad ako pabalik sa bahay para magbihis ng damit. I looked at myself in the mirror. Ang itim ng eyebags ko dahil sa isang linggong pagpupuyat at kakaiyak. Tinakpan ko 'yon ng concealer pero halata pa rin. Hinayaan ko na lang 'yon. Ayos na rin siguro para hindi nila ako makilala.

Maya-maya pa ay narinig kong bumusina si Elaine sa labas ng gate. Tamang kakatapos ko lang rin mag ayos kaya lumabas na ako ng bahay.

She opened the door to let me in and drove away when I was already inside the car. Tahimik lang ako sa byahe papunta sa bar. Hindi rin naman nagsasalita si Elaine para tanungin ako and I appreciate that. Wala pa talaga akong gana makipag usap.

Pagkarating namin sa bar ni Caleb ay dumiretso ako sa counter para umorder ng margarita.

"Hey, chill. Kakarating lang natin, Serena," pigil sa akin ni Elaine nang sunod-sunod akong uminom no'n.

Umiling ako sa kanya. "Kailangan ko makalimot, Elaine. Hindi ko na alam kung kaya ko pa 'tong sakit na nararamdaman ko," saad ko at muling uminom.

"You need to be strong, Serena. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Kung talagang mahal ka niya he should have pursued you again, right?"

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon