Chapter 20

2 0 0
                                    

"Stop doing that," saway niya habang patuloy akong kumakawala sa pagkakabuhat niya sa akin.

"I won't! Sinabi ko nang bitawan mo ko e," giit ko sa kanya pero hindi talaga siya nakikinig.

Ibinaba niya lang ako nang makarating kami sa kotse niya. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon para tumakbo palayo sa kanya pero mabilis niyang nahuli ang braso ko.

"I told you, you won't get away this time," he stated.

Naiinis ko siyang hinarap. What the hell does he want from me?! Ako na nga 'tong gumagawa ng paraan para hindi kami magkitang dalawa tapos siya naman 'tong ayaw ako paalisin ngayon.

"Wala ka nang pake kung aalis man ako o hindi. Uuwi ako mag isa at hindi ako sasakay dyan sa kotse mo!" inis kong singhal sa kanya.

He titled his head, examining me. "Sige nga, paano ka uuwi sa lagay mo?" hamon niya sa akin at binitawan ang kamay ko. Sumandal siya sa kotse niya at isinuot ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

Umismid ako. "Nakauwi na sana ako kung hindi mo pinaalis 'yong taxi kanina! Bakit ba nakikialam ka ha? Akala ko ba ayaw mo na akong makita?"

Umayos siya ng tayo. "Get in the car and we'll talk," utos niya sa akin. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko para ipakita sa kanya na hindi ako interesado makipag usap.

It's been five years. Ano pa bang kailangan namin pag usapan? Nakita kong humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako. Maling desisyon 'yon dahil hindi pala balance ang tayo ko at ang namamaga g paa ang ginamit ko sa pag atras.

I closed my eyes and prepared myself to fall when I felt his arms on me. Nagmulat ako nang maramdaman ang init ng hawak niya sa akin at tinulak siya palayo.

"Don't touch me!" angil ko.

Dumilim ang tingin niya sa akin. "Bakit? Mas gusto mo na 'yong boyfriend mo ang humahawak sayo?" may himig ng inis sa boses niya.

I looked at him in disbelief. Boyfriend? As far as I remember, single pa rin ako hanggang ngayon. Hindi naman ako na-inform meron pala ako boyfriend. But one thing for sure, si Luke ang tinutukoy niya dahil sila lang naman ni Elaine ang nakita niyang kasama ko kanina.

"Ano naman ngayon sayo?" tanong ko sa kanya.

His brows furrowed. "So, he's really your boyfriend?"

I rolled my eyes and took a deep breath. "That's none of your business. Why don't you just go to your girlfriend at siya ang ihatid mo pauwi para naman hindi siya nagkakalat doon sa loob?" naiinis kong sabi.

It wasn't my intention to sound like a jealous ex but it turned out that way lalo na nang makita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Whatever. Isipin niya na ang gusto niyang isipin pero hindi ako sasabay sa kanya pauwi at mas lalong ayaw ko makipag usap sa kanya.

"Nagseselos ka-

"I'm not! Why would I? I've already moved on from you," putol ko sa sasabihin niya.

I instantly regret what I've said when I saw pain crossed his eyes. Alam ko naman sa sarili kong walang katotohanan ang sinabi ko sa kanya pero ayaw ko rin naman malaman niya na hanggang ngayon ay siya pa rin.

I heard him clicked his tongue. "I don't have a girlfriend," he blurted out. I glared at him. He's such a liar! Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayang magsabi ng totoo?

"Then, what about Samantha? Stop lying, Xavier. I met her earlier and she told me nandito boyfriend niya," giit ko. Obvious naman siya ang tinutukoy ni Samantha dahil sa history nila dalawa.

Siguro nga nung nakipaghiwalay ako sa kanya ay mas lalong nagkaroon sila ng pagkakataon na magkagusto sa isa't isa.

I saw him clenched his jaw. Mariin ang titig na ibinigay niya sa akin. "She told you that? That I'm her boyfriend?" malalim at matigas ang boses niyang tanong.

Starstruck Melody (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon