Chapter 1

35.4K 580 75
                                    

"Hija, wala ka na bang naiwan sa sasakyan?" rinig kong tawag ng tita ko mula sa pintuan ng kwarto.


"Wala na po, tita," sagot ko habang nakatingin sa mga gamit ko na aayusin ko pa mamaya.


Dito kasi ako sa bahay ng tita ko, na kapatid ni mommy, titira habang nag-aaral ako ng Medicine. Sayang naman kung magdodorm pa ako. Gusto ko rin naman makatulong sa mommy ko sa pagtitipid kahit papano.


2nd year Medicine na ako. Hindi ko kinaya ang pagcommute noong first year kaya napagdesisyunan kong makitira na lang muna sa mga tita ko.


Buong hapon, nag-ayos lang ako ng mga gamit ko. Uuwi pa rin naman ako sa bahay namin tuwing weekends kapag hindi busy. Maiintindihan naman yun ni mommy.


"Shannon, anak, lalabas kami ng tito mo. Gusto mo sumama?" alok ni tita.


"Naku, hindi na po. Date night niyo pala ngayong gabi, ayoko naman maging third wheel," biro ko na siyang ikinatawa nila ni tito.


"Sige, pwede ka naman magpaluto kay Ate Liza mo dyan," sabi niya, tinutukoy ang kasambahay nila.


"Sige po. Ingat po kayo. Enjoy."


Ang mga anak ng tita ko, yong isa ay nasa Australia at doon nagt-trabaho. Yung bunso naman nila, nagdodorm kasi nahihirapan daw dahil sa traffic.


"Ate Liza, labas po ako a." paalam ko sa kasambahay.


"Osige, ingat ka."


Paglabas ko ng bahay, ay bumungad sa akin ang football field ng subdivision. Katapat lang yon ng bahay. Iniilawan ito ng mga poste na nakapalibot dito.


Kaya naman aninaw ko ang isang lalaking naglalaro ng football.


Naalala ko nanaman siya.


Umupo ako sa damuhan at pinanood ang naglalaro habang nags-soundtrip ako. May dala din akong Piattos at isang bote ng mineral water.


I sighed. Hanggang ngayon, namimiss ko pa rin siya. It's been two years already nang maghiwalay kami. After noon, no communication.


Ganito kasi yan. Sinagot ko siya nung 4th yr high school kami. Nakita ko kasing seryoso siya sa loob ng isang taong panliligaw at doon ko rin siya natutunang mahalin. Hindi naging mahirap yoon para sa akin kasi crush ko naman siya talaga.


Hindi lang ako ang niligawan niya, pati na rin ang magulang at mga kapatid kong lalaki.



Noong unang beses na sinabi niyang gusto niya ako, hindi ako naniwala. Kasi varsity siya noon sa La Salle Greenhills football team. At ang theory ko, kapag naglalaro ng bola ang isang lalaki, player ito. I mean, player as in playboy.



Pero nong tumagal, nakita kong hindi siya ganun. In fact, no girlfriend since birth pa ang loko. Kaya naman, galante. Minsan, hinahatid pa ako sa St. Paul Pasig kung saan ako nag-high school.


Tumagal kami hanggang 3rd year college. Reason of break up? Nawalan kami ng time sa isa't isa. Architecture ang course niya at ako naman ay MedTech. Syempre, expected na mawawalan kami ng social life nun lalo na pag 4th yr. 


Kaya napagdesisyonan naming maghiwalay muna. Pero before we parted ways that night, we still said our I love you's.


Kaya hanggang ngayon, may part pa rin sakin na umaasang magkakabalikan kami. Alam kong pwedeng hindi mangyari yon. Madaming pwedeng mangya-


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon