Hidden Chapter 12: Mwa!

5.1K 133 9
                                    

Maganda ang naging performance ko sa mga unang araw ng trabaho kaya mabilis akong napagkatiwalaan ng boss ko at inassign ka agad ako sa isang project.


We're working on a visual illusion museum. Sa team namin ay may engineers at iba ring architects at mahuhusay na interior designers at iba pang artists.


Excited na sana ako kaso lang may member sa team na babae. At sobrang halata ko na nagpapapansin siya sakin. I think she didn't get the memo na kay Shannon lang ako.


"Johan, saan ka maglulunch? Sabay na tayo?" narinig ko nanaman ang nakakainis na boses ng babaeng yon.


"Sorry, Bernice, may nilutong lunch yung girlfriend ko e. Sa desk na lang ako," sabi ko at binigyang diin ang salitang girlfriend para maintindihan niya.


Kumunot saglit ang kanyang noo pero ngumiti pa rin. "Okay! Next time na lang."


Nailing na lang ako at naupo sa desk bago tinawagan si Shannon. Sa pagkakaalam ko ay lunch break din niya ngayon. Kaya naman tinawagan ko siya.


"Yes, babe?" nagulat ako sa bungad niya.


"Anong nakain mo at tinawag mo akong babe? I am not a pig!" biro ko.


Narinig ko siyang natawa din bago bumulong, "May asungot na pumoporma sa kin!"


Napataas ang kilay ko. "Naka loud speaker ka?"


"Hindi."


"I-loud speaker mo," utos ko.


"Okay na. Naka loud speaker na, kamahalan."


"Babe, katatapos ko lang magtraining ng martial arts. Na-ospital nga yung ka-sparing ko e. Papunta na ako dyan para sunduin ka. Siguraduhin mo lang wala akong maaabutang mokong na umaaligid sayo, kundi, maoospital rin yan." Sinabi ko yon gamit ang kunwari'y malaking boses.


Maya- maya, "Ano? Umalis na?" I asked her.


"Oo. Loko ka! Ni sumuntok nga hindi ka marunong!"


Tumaas ang kilay ko. "Hoy! Malakas ako sumuntok!"


And I can sense her rolling her eyes. "Ewan ko sayo. Teka, kumain ka na ba?"


"Kakain pa lang. Kaso hindi ko alam kung saan. Si Bernice kasi, yung babaeng sinabi ko sayo na pumoporma sakin, niyaya ako sa canteen, e ayoko siya kasama."


I heard her laugh from the other line.


"Paano ka kakain niyan? Lumabas ka na lang kaya sa building niyo at magtake out sa mcdo or somewhere tapos sa desk mo ikaw kumain."


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon