Lumabas ako ng bahay dahil hindi ko kayang tingnan si papa at yung bagong babae na ipinalit niya kay mama.
I don't hate my father. Naaawa lang ako kay mama. Si mama kasi yung nagpaka-martyr. Sa huli, walang nagawa si mama kundi pakawalan na si papa.
At dahil walang trabaho si mama at si papa ang may pera, kay papa kami napunta. Kahit gusto namin ng kapatid kong si Joana na kay mama sumama, hindi pwede dahil yoon ang napagdesisyunan ng judge.
Tuwing weekends naman ay kay mama kami. Okay na sakin yun.
Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat sa dibdib ko. Pinwesto ko ang bola 20ft away from the goal.
Namiss ko ang paglalaro ng football. Naging busy kasi sa college. Hindi ko kayang ibalance ang studies ko at ang paglalaro.
Kaya pati siya nawala sakin.
Huminga ako ng malalim bago sinipa ang bola.
Goal.
Ang boring naman. Walang thrill kapag walang kalaro.
Naglakad ako para kunin ang bola nang makita kong may nanonood sakin.
Babae siya.
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalaro.
Kahit naman maganda yung babaeng yun, hindi ko siya papansinin.
Siya lang ang papansinin ko.
Kahit alam kong wala na kami. Siya pa rin naman hanggang ngayon e. Never akong tumingin sa iba.
Bigla akong nawalan ng gana. Kaya naman naglakad na ako pabalik sa bahay. Mags-soundtrip na lang ako sa kwarto para hindi ko maisip si papa at si tita Maricel.
Pero sa paglalakad ay hindi ko napigilang hindi ulit mapatingin doon sa babae. Nakatulala siya.
Naningkit ang mata ko.
Si Shannon ba 'yon?
Lumapit pa ako ng konti at nakompirma kong si Shannon nga yon.
My Shannon.
Nagsimula na namang magwala ang puso ko. Tapos parang may multo na kumikility sa tyan ko.
"Hanggang ngayon mahilig ka pa rin mag daydream," bungad ko.
Hindi kasi ramdam na nasa tabi na niya ako e.
Nakita ko naman siyang medyo nagulat at tiningnan ako.