Napabaling ang atensyon ko sa phone ko na nag-vibrate. Tiningnan ko 'yon sa loob ng bag ko at nakitang sakop ng mukha ni Johan ang screen nito.
Sinagot ko yon, pero pabulong lang dahil nasa library ako. "Uy, bakit?"
"Bakit ka bumubulong?" taka niyang tanong sa kabilang linya.
"Nasa library ako. Nag-aaral. Bakit ka tumawag?" I whispered, covering my mouth with my hand.
"Ay. Sorry. Sige. Mamaya na lang pag sinundo kita. Hanggang 5pm ka lang ngayon, diba?"
"Oo. Bakit? Sabihin mo n-"
"Mamaya na. Sige, aral mabuti. Ingat. Love you!" at narinig ko pa ang paghalik niya sa telepono.
Napangiti na lang ako habang napapailing at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro sa Neuroscience.
Masaya akong naglakad papunta kay Johan na nakaabang sa labas ng building namin. Kinuha niya ang makapal na librong hawak ko bago ako hinalikan sa noo.
"Saya natin ngayon, a?" puna niya nang magsimula na kaming maglakad papunta sa kotse na regalo sa kaniya ng papa niya.
"Naka 90 ako sa long test, e! Syempre masaya ako!" kumapit ako sa braso niya at humilig sa balikat. Sa Medicine, swerte ka na kung maka-90 ka.
"Celebrate tayo! My treat," masigla kong aya sa kanya.
He smirked. "Sa tingin mo ikaw pagbabayarin ko? No way!"
Ngumuso ako. "Ee, minsan lang naman 'to! Bawal tumanggi sa grasya, Johan!"
"May icecelbrate din naman kasi ako," mahina niyang sabi.
Napahiwalay ako sa braso niya para tingnan siya ng maigi.
"Yan ba yung dapat sasabihin mo kanina?" tanong ko at tumango naman siya bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.
Pumasok ako doon at hinintay siyang makasakay din.
"Ano yun? Spill." Hindi na ako makapaghintay. Hindi naman mahilig sa surprises 'to e. Kasi ayaw ko din sa surprises. Kaya ayun, hindi na niya ako sinusurprise. Siguro mga once a year lang, nung bago kami magbreak dati.
Walang imik na may kinuha siya sa backseat. Napatingin din ako doon at nakita ang isang tambak ng blueprints at mga rotring.
May hinigit siyang rolyo ng papel at ibinigay yon sakin. Kinunotan ko lang siya ng noo bago tiningnan ang iniabot niya.
Nang i-unroll ko yung paper, bumungad sakin ang isang masterpiece na tanging isang architect lang ang nakakaintindi.