Hidden Chapter 7: Ant-man

7K 141 8
                                    

Hindi ko alam kung paano nakakaya ng tenga ko ang mga sigaw ni Shannon habang dinadrive niya ang kotse ko.


"Relax ka lang kasi. Nung nasa subdivision naman ay okay ka," I told her.


"Iba naman kasi kapag high way na! Marami na akong nakakasalubong na sasakyan!" she shouted.


Ngayon lang kami nagkaroon ng oras para makapagbonding. This time, ako ang pinagbigyan niya na pumili ng gagawin namin.


And I chose to give her driving lessons. Kaninang umaga ay paikot- ikot lang kami sa subdivision. Mabilis naman siyang natuto kaya agad ko siyang inaya palabas ng subdivision papunta sa hi-way.


"Why did I ever agree to this?! Hindi ka ba natatakot na baka madisgrasya tayo?" she sounded so irritated and frustrated at the same time.


Hindi niya alam na she's doing good at driving. Masyado lang siyang kinakain ng kaba.


"I trust you. Saka marunong ka naman e. Ang bilis mo nga matuto."


Nawala ang kunot ng noo niya sa sinabi ko which made me smile.


I told her to drive south papuntang Nuvali. Doon na lang kami magdidinner. Wala kaming naging problema dahil ako naman ang nagbibigay ng direksyon sa kanya pati na rin ang rules sa hi-way at pag-overtake.


"See? Ilang oras ka nang nagd-drive na may kasalubong na sasakyan? Nag-overtake ka pa nga ng truck e!" I complemented her which made her grin.


"Magaling ang nagtuturo sakin e," sabi niya ng may ngiting hindi ko alam kung nang-aasar o naglalambing.


Either way, kinilig ako. Ampucha.


"Kelan ka pa natutong mambola, ha, Shannon?" I joked.


Nagkibit balikat lang siya at nagfocus na ulit sa pagd-drive.


Nang makarating kami sa Nuvali ay ako na ang nagpark ng kotse. Next time ko na ituturo yon sa kanya dahil alam kong napagod siya sa araw na to.


Nang makababa ng sasakyan ay agad nagstretching si Shannon.


"Ayoko na!" she whined.


Inakbayan ko siya at nagsimula na kaming maglakad.


"Don't worry. Ako na ang magd-drive pauwi," I assured her.


Napagdesisyunan namin na sa Buffalo's kumain. Nagc-crave daw siya sa Buffalo wings kaya pinagbigyan ko na.


Habang kumakain ay nagkwentuhan lang kami.


"Kelan start ng review mo for boards?" tanong sakin ni Shannon.


"A month after graduation," sagot ko at tumango- tango siya.

The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon