Last Chapter

6K 108 23
                                    

Isa akong masamang author. Bow.


-----


Nailing ako sa mga naisip at ibinalik na lang ang atensyon sa paggawa ng mga plates. Hindi pa nga kami nagkakabalikan, naisip ko na agad na nagpakasal kami at nagkaroon ng pamilya.


Naghiwalay kami ni Shannon nang dahil sa mabababa kong grades. Sisiguraduhin kong kapag nahanap ko na ulit siya ay graduate na ako para sigurado nang magkakabalikan kami.


Napangisi ulit ako nang maalala ang mga sumagi sa isip ko.


Ang imba talaga ng imagination ko. Kapitbahay ko daw si Shannon? At doon daw kami nagkabalikan? Ha! Sana nga totoo yon.


Palagi kong naiisip kung paano kami magkikita ulit ni Shannon. Minsan naisip ko na baka makasabay ko siya sa jeep o kaya ay makita sa mall dahil sigurado akong magtutuloy yon ng Medicine.


Kung paano kami magkakabalikan, hindi ko alam. Pero sigurado ako na magkakabalikan kami. Hindi pwedeng hindi. Sigurado rin ako na siya na ang babaeng pakakasalan ko tulad ng nasa imagination ko. Isa lang ang babaeng balak kong mahalin buong buhay ko at siya yon. Wala nang iba maliban kay mama at kay Joana. Kay tita Maricel? Hindi ko alam.


Alas sais ko na natapos ang mga plates ko kaya hindi na ako nakatulog. Diretso ligo na ako.


Hindi ko na sinabayan sina papa sa almusal dahil kailangan ko nang pumuntang uni at magpasa ng plates.


Pagkalabas ko ng gate ay may nakita akong itim na Dmax na nakapark sa kapitbahay. May nakita akong babaeng may kinukuha sa loob ng sasakyan. Mukhang may naglilipat, ah?


Pagkalabas niya ay natigilan ako at muntik nang mabitawan ang gamit na dala-dala.


No sht Sherlock .


Si Shannon!


Yung ex ko!


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon