I wrapped my arms around his neck as I felt his arms circling my waist. We kissed 'till we ran out of breath. Alam kong namumula ako ngayon because that's the first time we French kissed.
Malamlam na ang mata niya nang maghiwalay kami. He smiled. "Magbreak kaya tayo ulit tapos magbalikan para may masarap na kiss ulit ako?"
Hinampas ko siya. "Break agad? Hindi pa nga tayo ulit."
Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib niya at sumandal sa balikat niya, instead.
"What?! Manliligaw nanaman ako?"
Natawa ako sa kanya. "Of course, mahal mo ako diba?" panloloko ko.
"Oo naman! Pero-"
"Tss. Nag-aaral pa tayo e."
He groaned. "Fine. Manliligaw ako. Pero do something to assure me na sasagutin mo ako."
I smiled at nag-isip.
"I'll think about it," sabi ko at tumayo na.
"Uuwi ka na?" He looked at me. Tumango naman ako.
"Hatid na kita."
And the next days after that night went smoothly. Nanligaw siya. Mas pursigido kesa sa dati. Hinahatid niya pa ako pag umuuwi ako tuwing weekends samin. May kotse na ang loko e. Advanced graduation gift daw sa kanya ng papa niya.
Minsan, sinaway ko na siya kasi parang hindi na nag-aaral ang loko. Pero pinakita niya sa akin ang test papers niya at lahat ay magaganda ang score. Pinapakita pa nga sakin yung plates niya. E ano naman kinalaman ko dun?
Kaya hinayaan ko siya. Pero I told him na once na bumaba ang grades niya, hindi ko siya sasagutin.
"Mas malala ka pa sa prof ko!" he told me once nang sabay kaming nagrereview sa living room ng tita ko.
"Shan," tawag niya sakin.
"Hmm?" I hummed, still not removing my eyes from the handout I'm reading.
"Remember when I told you to do something to assure me na sa akin pa rin ang bagsak mo?"
"Uh-huh?" I gestured for him to go on.
"I'm taking it back."
Doon ako napatingin sa kanya. "Why? Natagalan ka ba? Sorry. Nakalimu-"
"No. I realized na there's no need for that."
Nanatili akong nakatingin sa kanya.