Hidden Chapter 1: The First Time

11.3K 190 8
                                    

fedejik Tunay na to! Sinadya kong idelete yung dedic sa first chapter. haha. Gusto ko sa bonus chapter ka. Peace yow!


Johan Matthias Romero


Nag-aayos ako ng shin guard sa bench sa gilid ng soccer field nang marinig kong nag-uusap ang mga teammates ko.


"Dude, galingan mo! Andyan inspirasyon mo!" dinig kong sabi ni Neil, midfield, kay Steve, goalkeeper.


"Hindi rin, pre. Sa Don Bosco yata siya kampi e," I heard Steve reply.


"May boyfriend si Shannon sa Don Bosco?" singit ni Michael.


"Hindi. Pinsan nung kasama niya yung 11 ng DB," paliwanag ni Steve.


"Stalker ka masyado, Steve!" asar ni Michael.


"Baliw!" at nagkagulo na sila. Ako naman ay nag stretching na lang mag-isa.


Simula ng start ng NCAA ay pinagkakaguluhan na nila si Shannon Vicente. Isang magandang babae na taga St. Paul Pasig daw.


Noong una ay hindi ko sila pinapansin dahil gawain na nila 'yon dati pa. Every season, may bagong chix. Hindi ko na lang sila pinapakialaman.


Pero ngayon, nakuha ni Shannon ang atensyon ko. First time na may babaeng nakakuha ng atensyon ko. There's something in her. Something na matagal ko nang hinahanap.


Noon pa man ay nagtataka na ako kung bakit kahit kalian ay wala akong nagugustuhang babae katulad ng mga kaibigan ko. Oo, may mga nakakaaya sa paningin pero hanggang doon lang.


Pero itong kay Shannon, she got me curious. Parang gusto kong mas makilala pa siya.


Ganito ba 'yon? Dito ba nagsisimula ang love?


I shook my head.


Nagsimula na mag warm up at ang mga loko kong teammates ay nagsimula na rin sa pagpapasikat.


Ako naman ay tahimik lang na nagnanakaw ng tingin sa babaeng walang kaalam- alam na binibihag na ang mga puso ng mga lalaki sa paligid niya.


Matapos ang warm up ay naupo ako sa bench at sinigurado kong makikita ko siya sa pwesto kong ito.


Nakaupo siya malapit sa score board at commentators. Naka suot lang siya ng isang simpleng blouse at pants pero nag mukhang elegante dahil siya ang may suot. Naka-braid pa ang buhok niya na dumagdag sa nagpaganda lalo sa maganda na niyang mukha.


Nabalik lang ako sa realidad nang marinig naming pumito na ang referee hudyat ng pagsisimula ng laro.


Huminga ako ng malalim at nagfocus. Hindi ko na kailangang magpasikat dahil magaling na ako. Kailangan ko lang makuha ang atensyon niya.








Shannon Marie Vicente


"Wooooo! Go number 11!Pinsan ko yan! Pinsan ko yan!"


Nang magsimula ang game ay hindi na tumigil sa kasisigaw si Amanda, a.k.a, Mandy. Nandito kami sa soccer field ng La Salle Greenhills para panoorin ang laro nila laban sa Don Bosco.


Pinsan ni Mandy ang isa sa mga players ng Don Bosco kaya niyaya niya akong manood. It's a Saturday kaya wala kaming klase.


Mukha lang na sa DB ako kampi pero sa totoo, LSGH ang gusto kong Manalo. Naroon kasi ang crush ko. Si number 9, Romero. Hindi ko pa alam ang first name niya at itatanong ko kay Mandy o kaya sa pinsan niya kung kilala si number 11.


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon