Sa mga sumunod na araw ay hindi na namin malaman ni Johan kung paano magkakaroon ng time para sa isa't isa.
Every week, busy kami. Lalo na ngayong third year na ako sa medicine at siya ay nagrereview na para sa board exam.
It has been a week since our Subic trip at isang linggo na rin akong walang pahinga. Ang daming dapat aralin. Araw- araw may quiz. Siguro ay nasa limang oras pa lang ang naitutulog ko sa linggong ito.
Kaya naman ngayong Sunday ay bonding kami ng kama ko.
Nagising ako ng bandang 4am pero natulog ulit ako at nagising na ng 8am. Tiningnan ko ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit. Parang naging protocol na nakailangan i-check ang phone. Maybe for messages? Alarms? I don't know.
Pero nang madako ang tingin ko sa date ngayon araw ay nagising ang buong diwa ko.
Sht. Birthday ni Johan!
Nabapabilkwas ako sa kama at mabilis na nag-isip kung ano ang gagawin.
Sa dami ng pinagkakaabalahan ko ay nalimutan ko na. Sht sht sht.
Hindi rin naman nagpaparamdam si Johan kung may celebration bang magaganap ngayong araw or what dahil stressed din ang isang yon sa pagrereview para sa nalalapit niyang board exam.
Tiningnan ko ulit ang oras.
8am.
Magb-bake na lang ako ng cake!
Naligo at nagbihis ako at agad na pumunta sa malapit na supermarket para mamili ng kakailanganin sa paggawa ng cake. Bumili na rin ako ng box at ribbon na paglalagyan ko.
10am nang matapos ako sa pamimili. Kaya naman agad akong nagsimula sa pagb-bake at napagdesisyunan ko na rin na magluto ng chop seuy dahil yon ang paborito niyang ulam.
Sinilip ko ulit ang phone ko kung may text ba si Johan pero wala! Hala! Baka nagtatampo na yon!
Mas binilisan ko ang pagkilos. Tinawagan ko na rin si Mandy at sinabing kailangan ko ang restaurant niya mamayang gabi. Exclusive.
"Lagyan mo na rin ng decorations! Yung romantic! Basta, ikaw na bahala!" natataranta kong utos sa kaibigan ko.
"Chill ka lang, girl! I got this," natatawang sagot ni Mandy.
"Thank you so much talaga, Mandy. Gotta go. Maliligo pa ulit ako! I can't show myself to Johan looking like a maid!"
Nang matapos ang lutuin ay nagsuot ako ng presentableng blouse at simpleng shorts at sandals.
"Tita, tito. Punta lang po ako kina Johan, birthday niya," paalam ko bago pumunta sa katabing bahay.