Hidden Chapter 16: Usapang Flower

5.1K 129 10
                                    

"Pero, Johan, three years pa, ha? I hope you understand."


Kahit pala napaghandaan mo na yung ganun niyang sagot, iba pa rin kapag nanggaling na mismo sa kanya.


Tanggap ko naman at nirerespeto ko ang desisyon niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot.


"Hey, wag ka na malungkot," malumanay niyang sabi sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.


I looked at her and she smiled. "You can't blame a man who seriously wants to be yours, for feeling like this after you told him to wait for three more years."


Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.


"Assured ka na naman sakin, diba? I already said yes. All I'm asking is for you to wait. Pangarap ko yon, Johan. Alam naman natin yon parehas, diba?"


Tumango ako. "I'm sorry. I know I should be happy with your 'yes.' Kasi lang, I want us to get married next year-"


"Next year agad?!" gulat niyang tanong.


Buti na lang kami na lang dalawa dito sa bench ng football field. Nakaalis na ang audience namin kanina pagkatapos kami batiin.


"That was before you told me to wait. Of course, hindi na next year. Next next next year pa kapag pedia ka na. You know I accept your decision and I respect you. Kaya maghihintay ako. Malungkot lang talaga," mabilis kong paliwanag.


Agad namang nagrelax ang mukha niya.


"Lika nga dito."


She hugged me and I rested my face against her neck and inhaled her scent.


"Ang swerte ko sayo. Walang ibang lalaki ang makakatapat sayo. You're the most understanding guy I know. Hindi ka napapagod sakin. Hindi ka nagsasawa. Kaya mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. Pumayag na nga ako magpakasal sayo e. Kasi siguradong sigurado ako na ikaw na talaga. Kaya wag ka na magmaktol, okay?"


I nodded against her neck bago humiwalay. "Kiss mo muna ako."


Natawa siya dahil nakanguso na agad ako at nakapikit. "I guess the guy who'll wait for three more years deserves a kiss."


And she pressed her lips against mine.


---


Nakikipag-usap ngayon si Shannon sa gagawa ng wedding gown niya. Siya na rin ang magdedecide ng suot ng mga abay. Ako naman ay sinusukatan na.


Nagsisimula na kaming maghanda para sa kasal. Kahit medyo busy kaming dalawa dahil nagpapagawa na siya ngayon ng sariling clinic. Inalok ko pa nga siya na ako na ang bahala sa gastusin para doon pero she declined.

The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon