Hidden Chapter 9: Subic Sunset

6K 177 13
                                    

Nagrerelax kami ngayon ni Johan sa tabing dagat habang hinihintay ang sunset.


Last day na namin dito sa Subic bukas. Noong mga nakaraang araw ay naghire kami ng yacht as Subic bay at doon nagrelax. Tinry din namin yong Hydrojet. Basta yung parang iron man. Super enjoy ang loko lalo na sa katatawa dahil hindi ako marunong!


Nagtree top adventure din kami at doon ako nag-enjoy. Lalo na sa bungee jumping dahil halos mawalan ng kulay ang mukha ni Johan! I even took a picture of him!


Ngayon ay nakangiti kong tinitingnan ang mga pictures namin sa phone ni Johan nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa hita ko.


"Inggit ako sa pictures," maktol niya kaya naman agad ko siyang tiningnan.


Tama ako. Nagpapacute ang loko.


Agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya at kiniss siya sa cheeks.


"Ang baby damulag ko, ilang araw nang nagpapababy!" pagsakay ko sa trip niya.


I decided to give him four days. Solo niya ako at payag ako makipag PDA (as requested by the baby boy Johan). He deserved it naman DAW.


"Pwedeng mag-extend ng bakasyon?" He whispered and I giggled.


"May pasok na po ako sa isang araw, mister at kailangan mo nang mag-ayos para sa review mo."


"Yes, madam," walang gana niyang sagot.


At dahil nagmamaktol ang baby, I cupped his face and gently kissed his lips.


"O, ayan na. Wag na magmaktol," I said between giggles.


Pumikit ulit ang loko at ngumuso. "Isa pa!"


And my palm met his face. "Abuso ka na!" pero sige pa rin siya sa paglapit.


Pagbibigyan ko na sana nang magvibrate ang phone niya na hawak ko.


Joana would like to FaceTime...


Napa-face palm na lang si Johan na ikinatawa ko. Wala siyang nagawa kundi akbayan ako at pagkasyahin ang mukha namin sa screen para parehas kaming makita ng kapatid niya.


"Hi, ate! Hi, kuya!" masiglang bungad samin ni Joana.


"Good bye, Joana," poker face na sabi ng lalaking katabi ko.


Hindi siya pinansin ni Joana sa halip ay chinika na lang ako ng dalaga. Na-bore si Johan kaya napagtripan niyang halik-halikan ang balikat ko.


Nagsisi ako bigla kung bakit naisipan kong mag-off shoulder ngayon.


"Kuya, what you're doing is so disturbing!" saway ni Joana.


"Edi patayin mo na ang tawag. Istorbo ka e!" pagsusungit ni Johan.


Pinalo ko ang kamay ni Johan na nakapatong na pala ngayon sa tyan ko.


"Johan, may mga nagf-football doon banda. Doon ka muna," sabi ko.


Umiling naman siya habang nakapatong ang ilong sa pagitan ng leeg at balikat ko as if brushing his nose against my skin.


"Ayaw," parang bata nitong tanggi.


I gave Joana an apologetic look. "Sorry, Jojo. I have to give this one to your kuya. Don't worry. Pagbalik ko, girl time tayo."


Nagawa ko namang utuin si Joana na ipinagdiwang ni Johan.


"Finally!" masiglang sabi nito with matching taas ng braso.


Nailing na lang ako at yumakap sa sexy body niya. In return, he wrapped his arms around my shoulder.


Mga ilang minuto kong nilasap ang sandaling yon nang tawagin ako ni Johan.


"Shan,"


Tiningala ko siya habang nakayapos pa rin sa waist niya ng nakangiti nang makita kong nakatapat sakin ang phone cam niya.


"Johan!"


At pinagsasabunot ko siya habang siya naman ay tawa ng tawa.


"Oh, ayan na! Sunset na!" napatigil ako sa pagsugod sa kanya at tumingin sa horizon.


And it took every breath away.





Nang makabalik ako sa katinuan ay dinukot ko ang phone ko at pinicturan ko yon.


Naramdaman ko ang pag-akbay ni Johan.


"Babe, picture tayo."


And we took pictures with the beautiful sunset.


Nang matapos kaming magdinner ay agad na kaming bumalik sa kwarto namin sa resort.


Hindi kami nag-imikan dahil parehas kaming nakaramdam ng pagod.


Hanggang sa makahiga kami sa kama ay hindi pa rin kami nag-imikan dahil busy ako sa pagpopost ng pictures namin.


Napili kong ipost ay yong picture namin na nasa likod ang view ng sunset. Nakayakap ako sa bewang niya habang nakaakbay siya sakin. Parehas kami na ngiting- ngiti.


I captioned it with a simple heart emoji.


Io-off ko n asana ang phone ko nang lumitaw ang isang bago post na picture sa IG. And it's Johan's post.


It's a picture of me, eyes closed, facing the sunset. Ang ganda ng lighting. Ang dramatic.


Pero mas dramatic yong caption ng minamahal kong boyfriend!


"I'd post a picture of the sunset but I'd much rather show you the beautiful girl I shared it with"

The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon