"Johan," paggising ko sa kanya.
Kanina pa niya binubulong ang pangalan ko habang natutulog at kunot na kunot ang noo niya.
Buti nasa kabilang kwarto na ang mga bata kundi magigising ang mga yon.
"Hey. Johan, ano ba? Tinatakot mo na ko!" gigil kong sabi.
At doon siya nagmulat ng mata habang hinihingal pa.
"Shannon?" tawag niya sakin na parang hinahanap pa ako. Worry is etched on his face.
Pero nang magtagpo ang mata namin ay nawala ang takot sa mata niya at napapikit. He heaved a deep sigh bago ako hinapit para yakapin.
I kissed his cheeks. "Bad dream?" bulong ko.
Tumango siya at kinwento ang napanaginipan.
After telling it all, ay natawa ako.
"What would you do, then, kung totoo yung panaginip mo?" I curiously asked him.
He kissed my hair. "I would do the same thing. Chase you. I would do it every time. Kahit paulit-ulitin pa yung panaginip ko. I would never get tired of chasing you again and again."
I smiled. "Weh?" I teased him.
"Oo nga. You're worth the chase, Shan."
"Oo na. Edi ikaw na inlove na inlove sakin."
"Oo ako na nga."
Then there was silence.
"Shan?"
"Hmm?"
"Thank you."
I smiled. Hindi ko na kailangang tanungin kung para saan yong thank you niya. He keeps on saying that to me. Lagi siyang nagpapasalamat na sinagot ko siya, na pinili kong magkabalikan kami, na binreak ko siya dati para mag-grow kami, na pinakasalan ko siya, na binigyan ko siya ng tatlong chikiting.
"All for you, love."
"Naks, nakiki-love ka na rin ha."
I giggled and gave him a noisy kiss on the lips. "Mwa!"
He returned it and said, "Tmd."
----
Oh eto na! Tunay to! Ayoko na kasi mag book 2 haha.