Nandito ako sa labas ng gate nina Shannon. Nag-aalala na ako e. Hindi ko siya naaabutan tuwing umuuwi o umaalis ako ng bahay. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko at hindi ko rin matawagan.
Baka ayaw niya sa'yo.
Sht. Wag naman sana.
Pero nang malaman kong nadukutan siya, bigla akong nagka-urge na yakapin siya. Sht. Ayokong may masamang nangyayari sa kanya.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin sa braso at niyakag bumili ng cellphone. At sino naman ako para tumanggi sa mahal ko, diba?
Habang naglalakad kami sa mall, tahimik lang siya.
Napangiti naman ako. Nagp-people watch 'to. Gawain namin yon dati e.
Nabigla ako nang kumapit siya sa braso ko. It took a while before I recovered. Favorite niyang gawin lagi noong kami pa ay ang paglaruan ang braso ko e. Crush daw niya. Psh. Selos ako sa braso ko.
"Johan!" lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Sht. Mas lumakas ata ang epekto ng babaeng 'to sakin.
"Tingnan mo yung lolo sa 4 o'clock mo. Chinichix yung katabi niyang dalaga o. Haha," she whispered to my ear.
Tiningnan ko naman 'yong tinutukoy niya bago bumaling sa kanya.
Damn. Wrong move. I felt her lips brush against my cheek.
I apologized and so did she. Pagkatapos noon ay natahimik kami parehas.
Namimili na siya ng phone nang may tumawag sa kanya.
Naningkit ang mga mata ko.
Sino to? At lalaki pa ha.
"So, pwede na kong manligaw ngayon? Siguro naman break na kayo ng boyfriend mo?"
Nagpintig ang tenga ko sa narinig kasabay ng pagtagis ng panga ko.
Gusto ko sanang sugudin pero sino ba naman ako, diba? Isang hamak na ex lang.
Nakita kong tumingin sa gawi ko si Shannon kaya nag-iwas ako ng tingin.
"A-ano, sorry. Pero mahal ko ang boyfriend ko, Kevin," rinig kong sabi ni Shan.
Sht. May boyfriend na siya? Napalitan na ako? Sht. Fvck! Dammit! Tapos na ba? Wala na akong chance?
Nakita kong umalis na yong lalaki. Maya- maya ay lumapit na sa akin si Shannon.