Hidden Chapter 4: Life After

7.3K 149 3
                                    

Johan Matthias Romero


Wala ako sa sarili ng mga sumunod na araw. Hindi ko inantala ang mas dumadalas na bangayan ni mama at papa. Hindi ko na rin magawang i-comfort si Joana tuwing iiyak siya kapag nag-aaway ang magulang namin.


Minsan, ipinagdadasal ko na sana maghiwalay na talaga sina mama para matahimik na sa bahay. Pero minsan nakokonsensya rin ako sa hiling kong iyon kasi ang imoral non.


Hindi na ako nagulat nang kausapin kaming magkapatid ni mama at papa at sinabing maghihiwalay na sila. Hinayaan ko na lang silang gawin ang mga legal na aksyon para doon.


Isang beses, umiyak ako bago matulog. Yung bigat sa dibdib ko simula nang maghiwalay kami ni Shannon ay inilabas ko. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki yon kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na magdrama.


I just wish Shannon's here. Everything would be less painful.


Lalo na nang sabihin sakin ni mama na kay papa kami mananatili. Tumutol ako noong una. Pero wala na ring nagawa nang malaman na yon ang napag-usapan nila ng judge at dahil walang ipangsusustento sa amin si mama.


Matapos lang ang ilang buwan nang malaman ng magulang ko na hiwalay na kami ni Shannon. Umiyak pa si mama noon nang malaman niyang katatapos lang ng break-up namin ni Shan noong sinabi nila sakin na maghihiwalay sila ni papa. Ramdam daw niya ang dinanas ko and she's sorry for that.


Sino ba naman ako para hindi magpatawad, diba?



Namulat na lang ako nang makita ang grade kong 75 sa isang quiz. Pasang awa.


Patay ako kay Shannon neto.


Pero ilang sandali lang ay napangiti ako ng mapait. Wala na nga palang Shannon na papagalitan ako kapag bumagsak ako sa quiz. Wala na nga palang Shannon na magtututor sakin. Wala na nga palang Shannon na maglalambing sakin pagkatapos ako pagalitan.


Wala na nga pala si Shannon sakin.


I shook my head. Hindi ko pwedeng hayaan na mawasak na lang ako basta- basta. Kaya nga kami naghiwalay ni Shannon para mag-grow. Para kapag nagkita kami, may ipagmamalaki na kami sa isa't isa.


Inayos ko ang sarili ko. Inuna ko ang pagpapatawad kay papa at tita Maricel. Kahit minsan, hindi ko kayang tingnan silang magkasama, pinipilit ko pa rin, para sa self- development ko.


Nang mag prelims ng second sem ay tuwang-tuwa ako dahil 87 ang pinakamababa kong nakuha, the rest, line of nine na!


Matutuwa si Shannon neto. Kung nandito lang sana siya. Kung hindi lang kami naka-block sa Facebook ng isa't isa. Kung alam ko lang ang phone number niya.


Natapos ang second sem na kasali ako sa dean's list. Pucha! Kahit makalumang pagsulat ng liham gagawin ko, maparating lang kay Shannon na DL ako!


Pero naalala ko na ayaw muna niyang magcommunicate kami.


Kaya naman pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan na lang na ang Diyos ang magbalik samin sa isa't isa.


Shannon Marie Vicente


Kung iniisip niyo na maayos ako pagkatapos kong makipag-break kay Johan, pwes, nagkakamali kayo.


Madalas akong lutang at hindi makapagfocus sa binabasa. Kung hindi ko lang sasabihin sa sarili ko na magiging unfair kay Johan kung hindi ko aayusin ang sarili ko, ay hindi ako mababalik sa focus.


Johan is my source of my motivation yet my distraction at the same time.


Nahirapan ako noong una. Pero I willed myself to forget all the pain and worries at magfocus muna sa pag-aaral.


There are times na gusto kong kontakin si Johan para kamustahin siya. Na gusto ko siyang tawagan dahil hindi ako makatulog sa gabi.


I would cry myself to sleep sometimes. Isang beses ay nahuli ako ni mommy na umiiyak. At first I thought na papagalitan niya ako dahil nawawalan ako ng focus sa pag-aaral. Instead, she told me that I made the right decision and that she's proud of me for thinking maturely.


"Kung kayo, gagawa ang Diyos ng paraan para maging kayo pa rin sa huli," she told me.


And I waited for that day to come na pagtatagpuin ulit kami ng Diyos.

The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon