Simula noong una naming pagkikita, hindi ko na ulit siya nakakasalubong. Siguro mga two weeks na din.
Nagsimula na rin kasi ang klase ko at being me, tutok na tutok ako sa pag-aaral. Kaya noong isang beses, ay nadukutan ako sa jeep ng walang kamalay-malay dahil nagpuyat ako sa kababasa. Ayun tuloy, wala akong cellphone ngayon.
Nasabi ko na rin kay mommy ang nangyari at sabi niya ay magwithdraw na lang daw ako sa ATM at bumili noong tig-800 lang na cellphone.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakabili kasi laging nawawala sa isip ko.
Grabe. Alam ko namang mahirap ang mag-medisina pero kasisimula ko pa lang, hectic na agad ang schedule ko.
Kaya naman pansamantalang nawala sa isip ko si Johan. Alam kong busy rin ang isang yoon dahil nga graduating na siya.
Laking gulat ko na lang nang palabas ako ng gate ng bahay ay nakita ko siyang parang naghihintay sa labas.
Nang makita ako ay agad itong lumapit sa'kin. Nginitian ko siya at ginantihan naman niya ako.
"U-uhm," panimula niya habang kinakamot ang likod ng ulo niya. Hihi. Nahihiya nanaman. "Hindi ka nagrereply sa mga text ko. K-kapag naman tinatawagan ko-"
"Nadukutan ako e. Sorry," pagputol ko sa kanya kasi mukhang hirap na siyang magsalita.
Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig noon. Akmang hahawakan niya ako sa braso pero hindi niya tinuloy. Nilagay niya na lang ang kamay niya sa bulsa ng shorts niya. But still, sorry is etched on his face.
"H-ha? Sinaktan ka ba? May iba pa bang ginawa sa'yo, Shannon, ha? Bakit hindi mo sina-"
I chuckled. Gusto ko sanang hawakan ang mukha niya dahil yoon lagi ang ginagawa ko kapag nag-aalala siya. Hindi naman pwede kasi syempre, wala na naman akong karapatan.
"Okay lang ako. Eto nga o, buhay pa ako," I joked.
I heard him sigh. "S-sorry. K-kasi-"
Ngumiti na lang ako. Hay nako, Johan.
"May lakad ka?" tanong ko na lang.
"H-ha? Wala naman –ano.."
"Tsk. Lika nga," yakag ko at hinila ang braso niya.
"T-teka. Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Samahan mo ko."
Nanlaki ang mata niya. "Saan?"
"Bibili ako ng bagong cellphone."
"Kasama ako?" parang hindi siya makapaniwala.
I chuckled pero tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo?"
"Gusto! Gusto ko! Ano, tara na?" siya na ngayon ang humihigit sakin.
Pagkadating namin sa mall ay agad kaming nagpunta sa bilihan ng mga cellphone.
Habang papunta kami doon ay hindi ko maiwasang mag-people watch. Gaawin ko na 'yon dati.
Actually, gawain namin yon ni Johan dati.
"Johan!" mukhang nabigla siya sa pagtawag ko.
"Bakit?" mas nabigla siya nang kumapit ako sa braso niya. Sorry, namiss ko e.
"Tingnan mo yung lolo sa 4 o'clock mo. Chinichix yung katabi niyang dalaga o. Haha," pabulong kong sabi sa kanya kaya medyo malapit ang mukha ko sa kanya.
Bigla naman siyang lumingon sakin kaya napahalik ako sa cheeks niya. Parehas kaming nagulat.
"S-sorry," sabi niya habang bumitiw ako sa braso niya.
"N-no. Sorry. Kasalanan ko."
Hindi na kami nag-imikan after nun. Hanggang sa marating namin yung bilihan ng Nokia phones. Tahimik lang akong pumili habang nakasunod lang sa likod ko si Johan.
"Shannon?" rinig kong may tumawag sakin. Nilingon ko 'yon.
"Kevin?"
"It's you!" ngumiti siya.
Nakilala ko si Kevin noong nag-aaral pa lang ako ng MedTech. Sa isang coffee shop ko noon napagdesisyunan na magreview para sa midterms. Alam kong type ako neto kasi he told me that before. Kami noon ni Johan kaya I harshly turned him down.
Nagkamustahan kami ni Kevin.
"So, pwede na kong manligaw ngayon? Siguro naman break na kayo ng boyfriend mo?" dire-diretso niyang tanong.
Unconsciously, napatingin ako kay Johan na ngayon ay nakakunot ang noo sa amin ni Kevin pero agad siyang nag-iwas ng tingin.
"A-ano, sorry. Pero mahal ko ang boyfriend ko, Kevin," I lied.
"Oh. Sorry. Sinong kasama mo ngayon?" napatingin siya kay Johan.
"Ah. Si Johan." Sabi ko na lang habang nakatingin kay Johan na nakatingin sa kawalan.
Si Kevin naman ay parang narealize na si Johan ang tinutukoy kong boyfriend ko. Kahit hindi na.
"Sige, una na 'ko, Shannon. Nice to see you again."
Ngumiti na lang ako sa kanya at bumaling kay Johan na mukhang nawala sa mood.
Patay. Nagseselos 'to.