Hidden Chapter 11: This Calls for a Celebration

5.2K 140 4
                                    

Hi, guys. Medyo magulo ang timeline ng story but please bear with it. It's the moment that counts. Lol.


------------------


"Let's have another toast to the girl almight!" kanta ko habang sumasabay sa iPod with matching sayaw sa harap ni Johan na sinusubukang matulog sa gitna ng pagf-fangirl ko sa One Direction.


"Shannon! Magpatulog ka naman!" sigaw niya at nagtalukbong sa kumot ko.


Natigil ako sa pagsasayaw at sumimangot.


"Hmp. Ngayon na nga lang nakakapagrelax!" ani ko sa nagtatampong boses at tumabi sa kanya sa paghiga.


He immediately scooted close to me at sumiksik sa leeg ko. Pati mga hita niya ay nakapulupot sakin.


"Yan. Nang matali ka na," he mumbled with eyes closed.


Katatapos niya lang magtake ng board exams niya kaya makakatulog na siya ng maayos. Hinihintay na lang namin yung results ngayong patatlong araw pagkatapos niya mag take.


Ako naman ay katatapos lang rin ng finals at makakapagpahinga na rin.


Plano namin maghiking ni Johan sa Mt. Pulag next week. Gusto ko sana isama si Joana at Mandy kaso syempre, ang magaling kong boyfriend ay kumontra. Gusto daw niya akong masolo.


Pinatay ko ang iPod na tumutunog pa rin para naman makatulog na ang kawawang lalaking to. Ako rin, gusto ko na din matulog. Masyado akong napagod sa kasasayaw sa mga 1D songs. Hyped ako e, kasi sa March na yung concert nila at noong August pa ay may ticket na ako.


Makakatulog na sana ako nang sabay magvibrate ang phone namin ni Johan.


Sabay pa kaming nagmulat ng mata dahil magkatapat ang mukha namin. Parehas nanlalaki ang mga mata namin.


Mag-uupdate kasi sa phones namin kapag ipopost na ng PRC ang list of board passers.


Sabay kaming napabalikwas ng bangon at tiningnan ang phone niya.


Tama nga kami. PRC na yung notification.


Agad kong tiningnan ang mga surnames starting with R at hinanap ang pangalan ni Johan. Pati ang boyfriend ko ay ganon din ang ginagawa. Parehas lang kaming tahimik nang umirit ako.


Romero, Johan Matthias M.


Agad kong dinambahan ang nakatulalang Johan at pinupog ng halik sa mukha.


"Omg. Omg. Omg." Sabi ko sa pagitan ng little kisses.


Siya naman ay walang karea-reaksyon at tila pinoprocess pa ang balita.


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinarap sa akin.


Ngumiti ako ng matamis.


"Congratulations, Johan. I'm so proud of you."


And I kissed his lips.


Kumalat ang balita sa pamilya niya at mga kaibigan. Sabog ang cellphone niya dahil sa mga congratulations. Pati yung akin dahil yung mga kaibigan ko na kilala si Johan ay bumabati rin.


Dahil masaya ang araw na 'to, nag family dinner sila kasama ako at ang mommy ko. Pati ang daddy ko ay tumawag pa mula sa ibang bansa para lang batiin si Johan.


Habang kumakain ay nagsalita si Johan. "Uhm, may tumawag na kanina sa 'kin na company at nag-aalok na ng position para sakin."


Lahat kami ay natigil sa pagkain at nagsimula na naman ang mga papuri kay Johan.


Gosh! I can't wait na magsolo kami mamaya. I badly want to hug and kiss him!


Ganon nga ang nangyari dahil pagkatapos ng family dinner ay pumunta kami sa football field sa tapat.


Napansin naming may bench na nakalagay sa ilalim ng puno na wala naman dati doon.


Naupo kami sa bench at hinawakan ko agad ang kamay ni Johan at nilaro yon.


Tumingin ako sa kanya na nakatingin na pala sakin.


"I'm happy," he said.


"I'm happy, too," sagot ko.


He smiled and kissed my forehead.


"Thank you, Shannon. You're the reason for this. Ikaw ang nagpush sakin na ayusin ang pag-aaral ko. Ikaw din ang inspirasyon ko. Y-"


I stopped him with a kiss.


"Oo na. Ako na," I joked and he laughed.


Umakbay siya sakin at sumandal naman ako sa kanya habang hawak ang kabila niyang kamay.


We remained like that for God knows how long. We just savored the silence and the feeling of each other's body.


Days past at nagsimula nang magtrabaho si Johan sa isang sikat na company for architects. Hatid- sundo pa rin ako kahit na magkahiwalay na ng daana ng pupuntahan namin.


Every weekend ay lumalabas kami, sumisimba, or minsan, tambay lang sa bahay or football field kapag gabi.


Johan has proven himself. Matagal na. Kahit hindi siya licensed architect. Kahit hindi maganda ang grades niya.


He has already proven himself the day he said he loves me.


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon