Hidden Chapter 2: Together

10K 189 6
                                    

Shannon Marie Vicente


Hindi yon ang naging huli naming pagkikita ni Johan Romero. Nasundan yon ng nasundan. Paano? Syempre sinusundan niya ako!


One time, nakita ko siyang naghihintay sa path walk ng school namin at madaming babae ang nakatingin sa kanya. Syempre, all girls school kami.


Lalampasan ko na sana siya kasi ayoko mag-assume na ako ang pinuntahan niya dito, nang tawagin niya ang pangalan ko.


"Shannon!"


Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Papunta na siya ngayon sakin. Nakita kong nasa akin din ang mga mata ng mga naroon na babae.


"Bakit?" tanong ko habang magkasalubong ang kilay.


"Uhm," he trailed off at napakamot sa batok.


Napataas naman ang kilay ko. Nahihiya ba siya sakin? OMG!


"about last time-"


"Nung nabunggo mo ako?" I cut him off na ikinamutla ng mukha niya.


"I-I'm sorry! Ano... kaya nga andito ako para i-treat ka sana," his hand never left his nape. "Kung okay lang sayo?" He looked at me then tumungo.


Gusto ko sana ngumiti kaso ayoko naman ipakita na natutuwa ako sa kanya kaya my face remained neutral.


"Ililibre mo ako?"


Mabilis siyang tumango. "Anywhere you like. Saan mo ba gusto?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Pumayag na ba ako?"


Nagulat siya sa sinabi ko. "A-"


"Saan ba?" hinigit ko siya sa braso kasi naasiwa na ako sa mga tingin ng mga dumadaan. Sikat din kasi ang isang 'to dahil palagi kong naririnig ang pangalan niya sa campus namin lalo na kapag panahon ng NCAA.


"Payag ka na?" tanong niya habang nagpapahila sa akin.


Sino ba naman ako para tumanggi diba? Chance ko na rin to!


"Oo. Saan ba?"


"Sa Greenfield." Sagot niya na dahilan ng pagkunot ng noo ko.


"Huh? Maglalakad lang tayo?" gulat kong tanong.


Mabilis siyang umiling. "Nasa labas ng gate yung driver namin. Teka. May sundo ka ba?"


"Wala. Kay Mandy ako sumasabay. Itetext ko na lang siya at si mommy." Tumango naman siya.


The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon