Dumating na ang araw na hinihintay namin ni Johan.
Ang pagitan na lang ng altar at ng pintuan ng simbahan ang humahadlang samin.
Nasa magkabilang tabi ko si daddy at mommy at nagsisimula na kaming magmarcha papunta kay Johan.
Kitang- kita ko kung paano mamuo ang luha sa mga mata niya habang nakatakip ang kamay sa bibig.
Crying was never an issue for him. Lalo daw yong nakakadagdag ng pagkalalaki.
My eyes never left his as I walk down the aisle. At ganoon din siya.
Hanggang sa ibigay na ni daddy ang kamay ko kay Johan.
"I trust you with my princess, son. Take care of her like what we did before she became yours," sabi ni daddy kay Johan.
"Yes, dad."
At nagsimula na ang seremonya.
It was, then, our time to say our vows.
"Johan, thank you. Thank you for waiting. And I promise you, you will no longer wait for your turn. Ikaw na ngayon ang palagi kong uunahin, of course, after God. Ikaw na ang first priority ko. Ikaw na ang aalagaan ko. Wala nang hahadlang.."
At habang tinatapos ko ang vow ko ay tumtulo ang luha ni Johan.
"Shannon, my loves-" nagtawanan ang mga tao sa simbahan, pati ako.
"Hinding- hindi ako titigil sa panliligaw sa'yo. Araw-araw kitang lalambingin. Araw-araw kong ipaparamdam na ikaw ang reyna ko..."
Johan's vow was, well, very Johan-like. Hindi naiwasan ang mga biro niya.
At nang dumating ang 'you may now kiss the bride' moment ay walang pasabing, hinili niya agad ako at hinalikan.
Masaya rin ang naging party pagkatapos ng wedding ceremony. Nagkaroon ng mga sayawan. Masaya ang naging celebration dahil mga kakilala lang talaga ang nandoon.
At ngayong nagkakainan na ay bumulong sa akin si Johan. "Gusto ko nang ipakita sayo ang regalo ko."
Tumaas ang kilay ko. "And what is that?"
"Secret!" at bumelat pa siya. "Magugustuhan mo yon. I'm sure of that."
At nagustuhan ko nga yon. No. Actually, I loved it!
Yong sketch ng dream house niya na ipinakita niya sa akin dati ay nasa harapan ko na. Hindi isang drawing, kundi isang bahay na talaga.