Hidden Chapter 8: Drunk in Love

6.2K 137 12
                                    

Sorry naaaa!!


--------



Nang matapos ang graduation ko ay dumiretso kami sa isang hotel para magdinner.


Nauna nang umalis si mama. Hindi siya nagsabi ng dahilan pero alam ko naman kung bakit. Pero hindi iyon enough na rason para masira ang araw ko. Masyado akong masaya dahil sinagot na ako ni Shannon.


Ngayon, magkatabi kami sa table ng girlfriend ko-


I sighed.


Girlfriend ko.


Ang sarap sa pakiramdam!


Nang makakuha kami ng kanya- kanyang pagkain, ay nagsimula na din ang kwentuhan. Syempre, ang bida ay si Joana. Pero nang matapos ang segment ng kapatid ko ay nagulat ako nang unang magsalita si Shannon.


"Tito, tita. Ipagpapaalam ko sana si Johan. Weekend getaway? Graduation gift ko sa kanya."


Nagkatinginan kami ni papa at ni Joana tapos ay tumingin ako kay Shannon.


Kinunotan ko siya ng noo.


"Wag kang magreklamo. Minsan lang to," banta niya kaya napangiti ako.


"Saan mo naman ako dadalhin?" amused kong tanong.


"Secret!" bumelat siya bago sumubo ng salad.


"Sige, hija. Ilayo mo na yang si Johan sa bahay nang hindi na sila araw- araw mag-asaran ni Joana," natatawang sabi ni papa.


"Eep! Ate, ang sweet mo! Send me pictures ha. Videos na din if possible. Kyaa! Ang swerte mo kuya. Kainis," kinikilig na bigkas ni Joana.


Inirapan ko siya. "Edi sayo na girlfriend ko. Pakasal kayo."


Siniko ako ni Shannon kaya tinaasan ko siya ng kilay. Pero nang samaan niya ako ng tingin ay napangiti ako at hinalikan siya sa noo.





Nakatambay kami ngayon ni Shannon sa ilalim ng puno. Malalim na ang gabi pero maliwanag pa rin ang mga poste sa football field sa tapat ng bahay.


Pagkauwi galing sa hotel ay hindi muna kami nagbihis, sa halip ay dumiretso kami sa field.


Nakahilig ang ulo ni Shannon sa balikat ko at nakayapos ang mga braso niya sa braso ko.


Napapikit ako dahil ang sarap sa pakiramdam. Banayad na banayad. First time na maging kalmado ulit ako. Yung walang alalahanin.

The Ex Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon